top of page
BIDA - JANELLA KAY KLEA I LOVE YOU SO MUCH, MY BABY, MY LOVE, MY SWEET BABY BOO!-IG _kleap

Discaya, pangalanan na ang mga nakinabang sa kickback para managot na sa batas

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 10
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | June 10, 2026



Prangkahan ni Pablo Hernandez


PAG-AHON MUNA SA MINDANAO ANG UNAHIN KAYA DAPAT STOP MUNA SA PABIDAHAN SA SENADO ANG GATCHALIAN BLOC AT CAYETANO BLOC — May plano umano ang Gatchalian bloc at Cayetano bloc na magsagawa ng imbestigasyon sa susunod na linggo kaugnay ng flood control projects at sa alegasyon ng 18 dating bodyguards ni Zaldy Co hinggil sa umano’y pagdadala ng maleta-maleta umanong pera sa ilang pulitiko at opisyal ng gobyerno.


Sana ay isantabi muna ng Gatchalian bloc at Cayetano bloc ang planong ito habang hindi pa nakakabangon ang Mindanao mula sa malakas na lindol na tumama sa rehiyon. Hindi magandang tingnan na habang naghihirap at nangangailangan pa ng tulong ang mga biktima ng lindol, ay nakatuon ang pansin sa mga pagdinig na tiyak na magkakaroon ng malawakang live coverage. Period!


XXX


HINDI SANA MAGING SAFE SA MGA KASO ANG MGA SENADOR NA LUMUNDAG AT LULUNDAG PA SA GATCHALIAN BLOC — Bago pa lumipat sa Gatchalian bloc si Sen. Chiz Escudero, nauna nang inanunsyo ni Ombudsman Boying Remulla na umuusad na ang kasong plunder na isasampa laban sa senador. May mga ulat din na isa pang senador na may kinahaharap na kaso ang posibleng lumipat din sa majority bloc upang tuluyang maging Senate President si Sen. Sherwin Gatchalian.


Huwag naman sanang maging paraan ng mga senador na may kaso ang paglipat sa majority bloc para maging ligtas sa pananagutan. Ang mahalaga, kahit nasa majority na sila, dapat pa ring umusad ang mga kaso laban sa kanila. Ang panawagan ng mamamayan ay malinaw: lahat ng sangkot sa flood control scandal ay dapat managot. Boom!


XXX


BUDGET NG DPWH SA FLOOD CONTROL PROJECTS, ILAAN SA MINDANAO — Sa mainstream media at social media ay makikita ang napakaraming buhay at kabuhayan na napinsala sa Mindanao dahil sa napakalakas na lindol.


Sana, ang nakalaang budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa flood control sa mga lugar na hindi naman gaanong binabaha ay ilaan muna sa Mindanao upang mapabilis ang pagbangon ng ating mga kababayan sa rehiyon. Period!


XXX


DAPAT PANGALANAN NA NI CURLEE DISCAYA ANG 150 POLITICIANS AT GOV'T. OFFICIALS NA TUMANGGAP SA KANYA NG KICKBACK — Kung noong una pa lamang ay pinangalanan na ni Curlee Discaya ang sinasabi niyang 150 pulitiko at opisyal ng gobyerno na tumanggap umano ng kickback mula sa mga flood control project, at kasabay nito ay isinauli nila ng kanyang misis na si Sarah Discaya ang perang sinasabing nakuha sa umano’y panlalamang sa kaban ng bayan, baka mayroon pa silang naging pagkakataong makonsiderang state witness ng pamahalaan.


Gayunman, sana ay “forthwith” o agad-agad nang pangalanan ni Curlee Discaya ang 150 pulitiko at opisyal na ito upang makasuhan na sila at, ika nga, pare-pareho nang managot sa batas. Boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page