top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg

Direct hiring para sa OFWs, labag sa batas

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 6, 2023
  • 2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | March 6, 2023



Dear Chief Acosta,


Ang aking pinsan ay kasalukuyang nagtatrabaho sa ibang bansa. Noong makalawa ay nakausap ko ang isa sa kanyang mga amo at ako ay inalok nito ng trabaho sa kanilang kumpanya. Maaari na ba akong mag-apply nang direkta sa kanya nang hindi dumadaan sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA)? –Glenn


Dear Glenn,


Para sa iyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa iyong katanungan ay ang Article 18 ng Presidential Decree (P. D.) No. 442, o mas kilala sa tawag na “Labor Code of the Philippines,” kung saan nakasaad na:


“Art. 18. Ban on direct-hiring. No employer may hire a Filipino worker for overseas employment except through the Boards and entities authorized by the Secretary of Labor.


Direct-hiring by members of the diplomatic corps, international organizations and such other employers as may be allowed by the Secretary of Labor is exempted from this provision.”


Ayon sa batas, mahigpit na ipinagbabawal ang direct-hiring o direktang pagtanggap sa isang trabahador kung ang lugar ng pagtatrabahuhan ay sa labas ng Pilipinas. Kung nais ng isang Pilipino na makapagtrabaho sa labas ng bansa, kailangan muna niyang dumaan sa mga ahensya na authorized ng ating gobyerno. Ginagawa ito para maprotektahan ng ating gobyerno ang bawat Pilipino na magtatrabaho sa ibang bansa at masiguro na ang kapakanan nila ay kayang ipaglaban dahil hindi batas ng Pilipinas ang nasusunod sa ibang bansa.


Sa ganitong sitwasyon, ang authorized na ahensya ang mananagot sa anumang problema na kakaharapin ng ating mga overseas Filipino workers. Kaya naman, labag sa batas ang balak mong pagdirekta sa employer ng iyong pinsan sa ibang bansa nang hindi dumadaan sa POEA.

Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page