DINGDONG AT MARIAN, NASA ABS-CBN, VICE GANDA NASA GMA-7
- BULGAR
- Nov 15, 2023
- 1 min read
ni Nitz Miralles @Bida | November 15, 2023

Ikinatuwa ng mga fans na makitang nasa ABS-CBN sina Dingdong Dantes at Marian Rivera at na-interview sa TV Patrol para sa first teaser drop ng MMFF entry nila na Rewind. Si Vice Ganda naman at ang buong tropa ng It’s Showtime ay nasa GMA Network nag-shoot ng Christmas Station ID ng ABS-CBN.
Ang ganda raw mapanood ng mga ganitong eksena ng talents ng dalawang networks at may larawan pa si Vice na kausap sina Dingdong at Marian. Nagkita-kita sila sa ABS-CBN bago ang kani-kanyang trabaho kaya nagkumustahan.
Ramdam pala na na-miss ng mga fans na magkasama sina Marian at Dingdong dahil mabilis tumaas ang views ng teaser ng movie nila. In 14 hours, umabot na sa over 5 million views ang pelikula ng Star Cinema, APT Entertainment at Agosto Dos Pictures sa direction ni Mae Cruz-Alviar.





Comments