Diego, nagsalita na… BARBIE, DAWIT SA HIWALAYANG WIL AT ALODIA
ni Janiz Navida @Showbiz Special | November 18, 2021

Hala, may bagong pinagpipiyestahan ang mga Marites sa social media.
Pagkatapos ng hiwalayang Janine Gutierrez at Rayver Cruz, ang dahilan naman ng hiwalayan ng mga sikat na vloggers na sina Alodia Gosiengfiao at Wil Dasovich ang masusing iniimbestigahan ngayon ng mga netizens.
Ito'y matapos kumalat ang pa-blind item ng controversial social media personality na si Xian Gaza na diumano, may sikat na influencer ang na-caught in the act ng kanyang GF sa isang hotel na kasama at kayakap sa kuwarto ang isang Star Magic artist.
Bagama't walang binanggit na pangalan si Xian Gaza, may sumunod siyang cryptic post na ganito ang nakasaad: "Good night po sa lahat except kay Barbie Imperial."
Dahil dito, nagkaroon ng ideya ang mga Marites sa social media at ikinonek na nga ang name ni Barbie sa hiwalayang Alodia at Wil.
Agad nag-trending sa Twitter ang name ni Barbie Imperial kaya marahil ay nakarating ito kay Diego Loyzaga na boyfriend ng aktres at naglabas ng isang picture nila ng GF habang nakayakap siya rito.
Sabi sa caption ni Diego sa photo nila ni Barbie: "Dont get caught up in all that noise. It's just noise.
"My baby gurl and I are chilllin.
"So sit back, relax, enjoy life."
Mukhang ayaw namang magpatalo at manahimik nitong si Xian Gaza kahit pa ipinagtanggol na ni Diego ang GF na si Barbie at may kasunod na post sa FB.
This time, si Diego naman ang kinaladkad nito sa iskandalo at pati ang rumored GF ni Aljur Abrenica na si AJ Raval ay idinamay na rin.
Sabi ni Xian sa post niya, "Diego Loyzaga, may gusto lang sana akong itanong. Bakit ka bumibisita sa bahay nila AJ Raval sa Pampanga habang hinihintay ka ni Barbie Imperial sa Manila? Curious lang. Ito ay ayon mismo sa ama ni AJ na si Jeric Raval. Ano ginawa mo sa bahay nila?"
'Kalokah, ha?! Mukhang dumarami ang casting sa controversial na hiwalayan nina Wil at Alodia.
Kung 'yung mismong mga taong involved nga, hindi naman nagsasalita, bakit sa iba pa nanggagaling ang mga impormasyon samantalang wala naman si Xian Gaza sa relasyon ng dalawa?
Well, magsalita kaya si Alodia at ipagtanggol si Barbie na walang katotohanan ang mga haka-haka ng netizens na ang GF ni Diego ang dahilan ng hiwalayan nila ni Wil?
'Di ba't ganyan ang ginawa ni Kylie Padilla kay AJ Raval nang putaktihin ang sexy actress ng mga netizens dahil pinagbintangang kabit ni Aljur?
Ipinagtanggol ni Kylie si AJ na hindi ito ang dahilan ng hiwalayan nila.
At ang isa pang tanong, magsalita rin kaya si AJ o si Jeric Raval para bigyang-linaw ang pagkakaugnay naman ng aktres kay Diego Loyzaga?
Oh, 'di ba, mala-teleserye ang dramang 'to, kaya buhay na buhay ang mga Marites d'yan!





Comments