top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Didal, bigo sa Olympic medal

BULGAR
Jul 27, 2021
1 min read

ni MC / Gerard Arce - @Sports | July 27, 2021



Nabigo si Cebuana skateboarder Margielyn Didal na makasungkit ng kahit anong medalya sa Olympics matapos malaglag sa 7th place sa kanyang unang Final competition sa 2020 Tokyo Olympics. Nalagay si Didal sa pang-7 pwesto sa walong naglabang skaters na may final score na 7.52. Marami ang nagulat ng si World No. 3 Aori Nishimura ay nangulelat at nalagay sa puwestong no. 8 sa iskor na 6.92. Nakakuha ng spot ang Cebuana native sa eight-woman strong Final matapos na ma-rank na 7th overall sa preliminaries sa iskor na 12.02.


Dalawang 13-year-olds mula sa Japan at Brazil -- Momiji Nishiya at Rayssa Leal, ang kumuha ng gold at silver medals, ayon sa pagkakasunod-sunod. Nagtapos ang home bet na may 15.26 habang ang kaisa-isang kinatawan ng Brazilian na nakapasok sa finals ay may 14.64. Hindi naman nakapasok sa finals ang isa pang Brazilian na ranked No. 1 sa mundo na si Pamela Rosa.


Samantala, ang kababayan naman ni Nishiya na si Funa Nakayama ay nag-uwi ng bronze sa iskor na 14.49. Nagwagi ng ikalawang gold medal sa skateboarding ang Japan mula ng makamit ni Yuto Horigome habang napunta ang silver kay World No.2 Rayssa Leal ng Brazil sa 14.64pts samantalang napadpad ang bronze medal sa isa pang Japanese na si Funa Nakayama sa 14.49pts.


Nakapwesto naman sa ika-4th place si Alexis Sablone (13.57) ng Estados Unidos, 5th si Roos Zwetsloot ng The Netherlands (11.26), 6th si Wenhui Zeng ng China (9.66) at last place sa 8th place si World No.3 Aori Nishimura ng Japan sa 6.92.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page