top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

'Di sinuwerte sa Miss U… RABIYA, MAG-AARTISTA NAMAN

BULGAR
May 20, 2021
1 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | May 20, 2021




May plano pala si Miss Universe-Philippines 2020 Rabiya Mateo na pasukin ang showbiz pagkatapos ng kontrata niya sa Binibining Pilipinas.


Base ito sa exclusive interview sa kanya ng TV Patrol reporter na si MJ Felipe sa kanyang send-off lunch na ginanap sa Filipino restaurant sa Florida, USA kinabukasan pagkatapos ng grand coronation night ng 69th Miss Universe.


Sinabi ng beauty queen na pahinga muna siya sa social media, “(I'll) Take a short break from social media from everything just to be back in my shape.”


At dito na ibinunyag ni Rabiya na gusto niyang umarte sa harap ng camera.


“I’m planning to go into showbiz. Who knows, acting probably, hahaha!” natawang sabi ng dalaga sa TV Patrol.


Samantala, base sa video na kuha sa Filipino restaurant ay maraming Pinoy pa rin ang nakasuporta kay Rabiya at kahit na hindi nito nasungkit ang ika-limang korona bilang Miss Universe, maraming gustong magpa-picture sa kanya.


Tinanong si Rabiya kung paano tinanggap na hindi siya napasama sa Top 10.

“Combination din ng emotion sa umpisa nu’ng hindi ako natawag sa Top 10. I felt sad, but seeing the girls who made it, deserving talaga silang lahat. I guess hanggang doon lang talaga ang destiny ko. Pero it’s okay, marami pa akong kailangang gawin, marami pa akong kailangang matutunan and tuloy pa rin ang laban natin,” pahayag ni Rabiya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page