‘Di raw takot sa ahas, Ricci… “MAY MGA KILALA NGA AKONG GANITO!” – ANDREA
ni Beth Gelena @Bulgary | November 3, 2023

Kabogera rin talaga si Andrea Brillantes pagdating sa mga events na dinadaluhan. Hindi siya nagpapatalo sa mga sikat na actors.
Like sa Opulence Ball 2023 na ginanap kamakailan, pumangalawa siya kay Anne Curtis sa mala-Diyosang kasuotan ng TV host.
Ang costume ni Blythe ay black gown na may dalawang buhay na ahas na nakaikot sa kanyang leeg.
Post niya sa IG account niya, "LILITH… THE FIRST WIFE OF ADAM."
Natanong ang aktres kung hindi ba siya takot sa buhay na ahas?
Esplika ni Andrea, "Ba't ako matatakot? May mga kilala nga akong ganito! Char!"
Natawa siya sa kanyang sinabi ang ilang netizens, though it was indeed true.
Pinag-usapan din ang kanyang costume sa Shake, Rattle and Ball Halloween party bilang mythical being na si Amalia, isang half-Encanto, half-Manananggal creature.





Comments