'Di raw solb sa chat-chat lang… JC, LUMIPAD PA-HONGKONG PARA MAKIPAGKITA SA GF

ni Janiz Navida @Showbiz Special | February 7, 2021

Heto ang nakakahanga at mapapa-sana all ka na lang talaga… si JC Santos na bida sa Dito at Doon movie nila ngayon ni Janine Gutierrez under TBA Studios.
Sa Zoom presscon kasi ng Dito at Doon na first team-up movie nga nina JC at Janine, inamin ng theater-turned TV and movie actor na hindi siya solb sa konsepto ng online dating-relationship tulad ng kuwento ng kanilang pelikula.
Sabi ni JC, mas gusto pa rin niya 'yung may physical connection at face-to-face silang nagkikita ng taong mahal niya.
Kaya nu'ng magkaroon daw siya ng girlfriend na taga-Hong Kong, kesehodang gumastos siya para sa kanyang plane ticket and hotel accommodation ay ginawa niya makita at makasama lang ang girl!
Oh, devah, ang bongga nu'n?! Sana all lang talaga!
Tapos ito namang napangasawa ni JC na nanay ng kanyang anak, taga-Pampanga naman daw at long-distance relationship din sila since dito nga siya sa Manila nagwo-work kaya panay din daw ang punta ru'n ni JC noon para lang magkaroon sila ng time ng babaeng mahal niya.
Grabeeeeh lang talaga!
So, sa mga girls d'yan, ha, ayan, try n'yong humanap ng tulad ni JC Santos na gagawin ang lahat mapatunayan lang na sincere siya sa kanyang minamahal.
Pero sa movie nila ni Janine na Dito at Doon na mula sa direksiyon ni JP Habac, may kakaibang kuwento ng online pag-iibigan na maganda ring mapanood natin dahil baka naman puwede ring mauwi sa happy ending, devah?
Showing na 'yan sa mga sinehan sa March 17, so abang-abang na tayo, guys!
Kasama rin sa movie sina Yesh Burce, Victor Anastacio at si Ms. Lotlot de Leon.





Comments