top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

'Di raw scripted 'yun… BEA, SINORPRESA NU'NG V-DAY, NAPAIYAK

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 18, 2024
  • 1 min read

ni Nitz Miralles @Bida | February 18, 2024



Meron na palang nag-iisip na scripted ang pag-iyak ni Bea Alonzo nang sorpresahin ng staff niya sa bahay last Valentine’s Day. Pinasok nila sa kanyang kuwarto si Bea at may dala silang cake, balloons at flowers na galing lang sa garden at binati ng Happy Valentine’s Day ang aktres na ikinaiyak nito.


Tanong ng basher, sino raw ang scriptwriter ng video na nai-share ng staff ni Bea na si Rose dahil familiar daw? 




Sagot ni Rose “May mas kikitid pa ba sa utak mo??? Isipin mong scripted 'yan! Sana, maganda video namin kung scripted 'yan!!! Gunggong ka!!!”


Sinundan pa ito ng sagot na “Baliw ka ba? O aswang lang? Inggitera kasi wala gumawa sa 'yo ng ganyan... bakit nga ba may gagawa sa 'yo ng ganyan, eh, ang pangit mo... walang nagmamahal sa 'yo. Chaka ka kasi.”


Marami ang nag-comment na naiyak sila sa video, lalo na nang umiyak si Bea at magpahid ng luha. Nagpasalamat din ang fans ni Bea kay Rose sa ginawa nila kay Bea kahit pinaiyak nila ito.


Ang napansin namin ay ang malaking kuwarto ni Bea, ang kanyang malaking bed at big TV set. Mapapansin din na hindi masikip kahit na marami ang gamit na nasa loob ng bahay ng aktres.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page