top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

'Di raw makalimutan ang kakaibang sarap na nangyari nu'ng July 11…

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 10, 2020
2 min read

PAULO, BAGONG NAGPAPASAYA KAY ANGELICA

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | November 10, 2020




May namamagitan ba kina Angelica Panganiban at Paulo Avelino?


Magkasama ang dalawa sa teleseryeng Walang Hanggang Paalam kung saan kasama rin nila si Zanjoe Marudo mula sa Dreamscape Entertainment.


Pa-blind item kasing tinanong si Angelica ni Direk Andoy Ranay sa birthday episode niya sa #AskAngelica online show kung bakit importante ang petsang Hulyo 11.


Ang tanong ni Direk Andoy, “Ano ang pinakamahalagang date sa ‘yo at bakit?"


Tawa nang tawa ang #AskAngelica host at na-curious din ang mga co-hosts niyang sina Kean Cipriano at Via Antonio kung anong meron sa July 11.


"Sagutin mo ‘yun!" sabi ng huli.


Ang paliwanag ni Angge, “Naalala ko ito, eh, kasi pagod na pagod ako nu'ng panahon na ito, tapos naalala ko, gusto kong magpahinga and ito ‘yung unang break ng Walang Hanggang Paalam kasi nagtatrabaho kami araw-araw, unang break kami ng July 11.”


Hirit kaagad ni Via, “Sinong kami?”


“'Yung grupo nga ng Walang Hanggang Paalam kasi nga nag-celebrate kami, rest day. So, ginawa namin, nag-ihaw, nag-inuman kami,” kinikilig na kuwento ng dalaga.


“So, kakaibang sarap ng pag-ihaw nu’ng July 11?” sabi pa ni Via.


Tawang-tawa si Angelica sa tanong at kunwari, kinusot ang mata na naka-dirty finger.


Nang lumabas si Paulo sa video ay natawa si Angelica at sabay sabing, "Paborito natin."


“Sexbomb Angge, may regalo ako sa ‘yo, hindi ko alam kung magagalit ‘yung ano pero ibibigay ko (bleep) sa ‘yo ‘yung sa 'kin,” say ni Paulo.


Tawa naman nang tawa ang lahat sa mga pinagsasabi ni Paulo na hindi namin naintindihan dahil censored.


Hirit pa ni Pau, “Pero magugustuhan mo.”


Nabanggit naman ni Angge na ang paborito niyang leading man ay, "Si nguso Zanjoe kasi nakita kong maganda ‘yung chemistry namin.”


Apat na beses nang nagtambal sina Angge at Z — sa Playhouse (2018), itong Walang Hanggang Paalam at sa dalawang pelikula na 24/7 In Love (2012) at One More Try (2012).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page