top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Naihanda na bago pa nag-propose… ONEMIG, MAY CONDO NA PARA TIRHAN NILA NI AIKO AFTER NG KASAL

Writer: BULGAR
BULGAR
2 hours ago
2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | October 14, 2026



Aiko Melendez at Onemig Bondoc - IG

Photo: Aiko Melendez at Onemig Bondoc - IG



Inihanda na pala ni Onemig Bondoc ang bahay na titirhan nila ni Aiko Melendez bago pa man siya nag-propose sa actress-pulitiko.


Isa itong malaking sorpresa para sa kanyang fiancée na ipinakita niya sa kanyang YouTube (YT) vlog.


Nakapiring si Aiko habang inaalalayan ito ni Onemig papasok sa isang condo unit. Nang makarating na sa loob ay du’n pa lang inalis ang piring ng aktres.


Sinabi ni Onemig kay Aiko na ang condo unit na pinasok nila ang magiging tahanan nila pagkatapos nilang ikasal.


Sey niya, “Inuna ko muna ‘to bago ako nag-propose sa ‘yo. Kasi s’yempre, after proposal, kasal. Kailangan, meron tayong titirahan.”


Naka-kahon pa ang mga bagong appliances na gagamitin nina Aiko at Onemig pagkatapos magawa ang interior design sa condo unit.


Dalawa ang kuwarto sa condo unit nila. ‘Yung isa ay para kina Onemig at Aiko, at ‘yung isa naman ay para sa mga anak na gustong dumalaw sa kanila.


Well, sadyang hindi na naghanap ng malaking bahay si Onemig para sa kanila ni Aiko dahil tanggap niyang hindi na sila magkakaanak. At ang kani-kanilang mga anak sa ibang naging partner ay may mga bahay na rin.


Dahil diyan, umani ng additional ‘pogi points’ si Onemig sa mga netizens.

“Saan kaya makakakita ng ganitong asawa? Hahaha! Nakakahanga ka, Onemig. At sa ‘yo, Aiko, you’re so lucky. Congrats sa inyong dalawa.”


“Mapapa-sana all ka na lang talaga. Kailan kaya darating ‘yung Onemig Bondoc ng buhay ko na para bang ako si Aiko Melendez? (laughing emoji).”


“Ganito dapat, boys. Bago mag-propose, may naka-provide na agad na bahay na titirhan. Sana all na lang! Ang haba ng hair ni Ma’am Aiko.”

“Love na love ni Sir Onemig si Ma’am Aiko.”

Ikaw na talaga, Onemig!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page