First time ginawa mula 2001 na naging senador si Kiko… SHARON, GINUTOM SA PANONOOD NG IMPEACHMENT TRIAL SA SENADO

ni Julie Bonifacio @Winner | October 14, 2026

Photo: IG _reallysharoncuneta
Ikinuwento ni Megastar Sharon Cuneta sa kanyang Instagram (IG) ang pagdalo niya sa ika-38 araw ng impeachment trial ni Vice President (VP) Sara Duterte sa Senado noong Lunes, Oktubre 12.
Marami ang nagulat sa ginawa niyang ito. Kasama ni Sharon ang panganay na anak nila ni Sen. Kiko Pangilinan na si Frankie.
Kinabukasan, nag-post si Mega ng dahilan ng pagbisita niya sa Senado after so many years ng paninilbihan ni Sen. Kiko sa institusyong ito. Ipinost niya ang ilang larawan niya na nanonood sa Senate proceedings.
Sey ni Mega sa caption: “At the Senate yesterday. Audience only!”
Sinundan ni Sharon ng isa pang post sa IG ang kanyang pagbisita sa Senado.
Ayon kay Sharon, “Best friend Lorraine arrived with her hubby Jello last Saturday & they wanted to watch the proceedings at the Senate.
“So for the first time since Kiko was elected in 2001, I stepped into the Senate’s halls. Interesting. But it was too cold & I was hungry! “@kiko.pangilinan ‘Di lang Sabado. Buong linggo, buong buwan, buong taon at buong buhay ko, sa ‘yong sa ‘yo.”
Kinilig ang mga fans ni Sharon sa kanyang mensahe kay Sen. Kiko.
“Ayieee! Kilig! ShaKiko.”
“Kiwie forevssss!”
“Kilig!”
‘Yun na!





Comments