top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Nakatulog habang nagda-drive… WOWIE, NAAKSIDENTE, KOTSE WASAK

Writer: BULGAR
BULGAR
1 hour ago
1 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | October 14, 2026



Wowie De Guzman - IG

Photo: Wowie De Guzman - IG / File



Naaksidente ang aktor-dancer na si Wowie de Guzman. Kasalukuyan daw siyang nagpapagaling, as of this writing.


Nasangkot sa isang car accident si Wowie bandang alas-kuwatro ng madaling-araw nitong Martes sa Maharlika Highway, Barangay San Bartolome, Santo Tomas City, Batangas.


Pag-amin ni Wowie, nakatulog siya habang nagmamaneho. Galing siya sa isang show o event sa Guinayangan, Quezon.


Ayon sa reports, nagtamo si Wowie ng minor injuries, kabilang ang injury sa kanang binti.  


Tiniyak naman niya sa kanyang mga tagahanga sa Facebook (FB) na siya ay 100% okay at walang malubhang pinsala. 


May dalawang kasama si Wowie nang mangyari ang aksidente, pero ligtas at walang sugat ang mga ito.


Wasak ang unahan ng pulang sasakyan ni Wowie na isang Toyota Raize SUV, matapos sumalpok sa mga konkretong harang sa gitna ng kalsada.


Matatandaang ganito rin ang nangyari kay Niño Muhlach na nakatulog habang nagmamaneho. Mabuti na lang at walang taong nabangga o nasagasaan si Wowie.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page