‘Di pinalad manalong senador… BONG, MAG-AALAGA NA LANG NG APO
- BULGAR

- May 16
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | May 16, 2025
Photo: Bong Revilla Jr. - IG
Napanood namin ang video ni Senator Bong Revilla na in-assure ang mga supporters niya na okey naman siya. Ganu’n daw talaga sa pulitika, at isa-isang nag-congratulate sa mga nanalong 12 senators.
Pinasalamatan ni Bong ang mga bumoto sa kanya.
“Salamat sa halos 12 million na nagtiwala sa akin. Ang aking taos-pusong pasasalamat sa inyo mula Luzon, Visayas at Mindanao. Ang importante ngayon, magkaisa tayo para sa bayan. I-solve natin ang tunay na problema ng bayan. Tama na ang gibaan. Hindi matatapos ang pagtulong hangga’t kaya natin.
“Kung anuman ang nangyari, tanggap ko na. Ang importante, masaya tayo, tama na ang gibaan. Let’s move forward para sa bayan. Mahal kayo ni Bong Revilla. Alam ko may purpose si God sa akin.”
Nasa farm si Bong that time at mukhang mas marami siyang time na mag-stay doon ngayon at out muna sa pulitika.
“I will spend time with my family, magpahinga, mag-aalaga muna tayo ng apo. Sa inyong lahat, mahal ko kayo. Walang sama ng loob. Mahal ko kayo,” sey ni Bong.
Habang wala siya sa pulitika, magagawa na ni Bong ang mga nakaplano niyang pelikula at puwede na uling gawan ng sequel ang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis (WMNPSMNM) nila ni Beauty Gonzalez.
Marami raw plastic sa pulitika…
NETIZENS KAY LUIS: SA SHOWBIZ KA NA LANG!
ANG bilis ding nakapag-move on ni Luis Manzano sa resulta ng katatapos na midterm elections kung saan hindi siya pinalad na manalo.
Nag-shift agad at binalikan nito ang pagiging TV host at tinanong ang mga netizens ng “Ano mas trip ninyo bumalik? Rainbow Rumble (RR), Deal or No Deal (DOND), or Minute to Win It (MTWI)?”
Sinundan ni Luis ng “Game!” ang tanong niya. Ibig sabihin, ready na siya na balikan ang pagiging host at pinapapili ang mga netizens kung sa ano’ng show nila gustong mapanood uli si Luis.
Iba-iba ang choice ng mga friends at followers/fans ni Luis. Ang asawang si Jessy Mendiola, RR ang unang gustong gawin ni Luis. Si John Prats, ang 3 shows daw. Si Robi Domingo, It’s Your Lucky Day (IYLD) ang gustong unahin ni Luis. May nag-request naman ng Game Ka Na Ba? (GKNB).
Anuman ang unahing gawin ni Luis, susuportahan ng mga fans dahil sabi nga nila, na-miss nila si Luis.
May nag-comment pa nga na iwan na niya ang pulitika at sa showbiz na lang siya. Mas marami raw totoong tao sa showbiz at marami namang plastic sa pulitika.
In fairness kay Luis, ang daming bumoto sa kanya at ibig daw sabihin, marami ang nagmamahal sa kanya. Hindi pa lang tamang panahon na pasukin niya ang pulitika at sana raw, hindi pa rin mawala sa puso niya ang makatulong sa mga nangangailangan.
NAKAKATUWA si Sharon Cuneta dahil hindi lang pinasalamatan, kinunan din at ipinost ang reels ng mga volunteers ng asawa at ngayon ay balik sa pagiging senador na si Kiko Pangilinan.
Nakakatuwang panoorin ang pagkakagulo at tuwa ng mga volunteers nang malamang pumasok sa Top 12 si Kiko at pang-No. 5 pa.
Sey ni Sharon, “Nu’ng akala namin, malabo na, mahirap na, madilim na... Our hardworking volunteers and staff on Election Night. They are the ones who never gave up on their dreams and hopes for the future of our country. They worked tirelessly for Kiko to win—leaving their families and loved ones for days, weeks, months on end to bring us to the finish line.
“We love and value each and every one of you guys. When we saw this on video on May 12, we were overwhelmed and touched and became emotional not just because of the amazing, unexpected results, but because we saw and felt the pure joy in your hearts...
“You are ours always. You took care of my husband when I couldn’t be with him. You kept him company and encouraged and supported him. We love and adore you. We will continue to fight because of you and those like you.”
In-acknowledge ni Sharon na hindi mananalo si Kiko kung wala ang mga volunteers.
“We love you. And you are so very precious to us. Thank you from the depths of all our hearts,” pasasalamat ni Mega.










Comments