top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | May 16, 2025



Photo: Willie Revillame - FB


Very open si Willie Revillame sa pagkadismaya pagkatapos matalo sa kanyang senatorial bid last election.


Napakasakit para kay Willie ang sinapit niyang pagkabigo sa unang attempt sa pagka-senador. Ang dami rin niyang isinakripisyo sa kanyang pagtakbo at isa na riyan ang Wowowin program niya sa TV5.


Ayon sa aming source, si Willie raw mismo ang nagpatigil ng kanyang programa dahil sa pagkandidato nga niya last election. 


At ngayong tapos na ang eleksiyon, wala pa rin daw balak si Willie na ibalik sa ere ang programa niya.


Hindi naman daw dahil naubusan na ng pondo si Willie pang-produce ng kanyang show. Katunayan, ni hindi nga raw nabawasan ang pera niya at nagamit sa kanyang kampanya last election.


May sponsor daw kasi si Willie sa kanyang pagtakbo. May ibang nagsasabi na ang isang mining company owner ang nag-sponsor kay Willie sa kanyang pagtakbo.

Sabi naman ng source namin, ang GP (Galing sa Puso) Partylist ang gumastos sa kampanya ni Willie.


Hindi kami sure kung ang mining company owner at GP Partylist nominee ay iisa. Basta ang sure, may nag-sponsor kay Willie at ‘di niya sariling pera ang ginamit sa kampanya ng TV host.


Anyway, duda tuloy ng aming source ay baka mas kumita pa raw si Willie kesa nalugi sa pagtakbo last election.



DUMAGSA ang intriga sa mga kamakailang episode ng FPJ’s Batang Quiapo (BQ) sa pagdating ng dalawang bagong karakter na ginagampanan ng beteranong aktor na si Leo Martinez at ng Filipino-Korean actress na si Angeli Khang.


Napanood na ang mga eksena nina Leo at Angeli sa BQ this week.

Sa naturang episodes din, nakaeksena nila ang mga major characters sa Kapamilya action-drama series sa pangunguna ng bida, direktor, at producer ng BQ na si Coco Martin.


Ipinakilala si Leo sa kuwento bilang si Mr. Kwon, isang negosyante na nakipag-deal sa pamilya Montenegro. Kasama niya ang kanyang apo at tagapagmana, si Veronica, na ginampanan ni Angeli.


Ang kanilang unang araw ng paggawa ng pelikula para sa BQ ay itinakda sa loob ng marangyang Montenegro mansion, kung saan nag-debut ang dalawang karakter.


Kung pagbabasehan ang mga eksenang ipinalabas sa ngayon, mukhang medyo nagkakasundo si Mr. Kwon at ang mga Montenegro. Maging si Tanggol (Coco Martin) ay hindi maitago ang kanyang tuwa nang pagmasdan niya ang magandang si Veronica. 


Mabilis na nakuha ng mga manonood ang chemistry nina Coco at Angeli, at marami ngayon ang nag-iisip kung mas lalalim ba ang koneksiyong ito nina Tanggol at Veronica sa mga susunod na araw.


Pero siyempre, hindi pa tayo dapat masyadong kampante. Kung tutuusin, kilala ang BQ sa mga hindi inaasahang pagliko at paglilipat ng mga alyansa nito. Kaya ang tunay na tanong ay—talaga bang mapagkakatiwalaan sina Mr. Kwon at Veronica? O sa huli ay magiging kaaway sila ng pamilya Montenegro?


Huwag palampasin ang bawat episode ng BQ airing weeknights on Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live (KOL), TV5, and A2Z.

 
 

ni Nitz Miralles @Bida | May 16, 2025



Photo: Bong Revilla Jr. - IG


Napanood namin ang video ni Senator Bong Revilla na in-assure ang mga supporters niya na okey naman siya. Ganu’n daw talaga sa pulitika, at isa-isang nag-congratulate sa mga nanalong 12 senators.


Pinasalamatan ni Bong ang mga bumoto sa kanya. 


“Salamat sa halos 12 million na nagtiwala sa akin. Ang aking taos-pusong pasasalamat sa inyo mula Luzon, Visayas at Mindanao. Ang importante ngayon, magkaisa tayo para sa bayan. I-solve natin ang tunay na problema ng bayan. Tama na ang gibaan. Hindi matatapos ang pagtulong hangga’t kaya natin.


“Kung anuman ang nangyari, tanggap ko na. Ang importante, masaya tayo, tama na ang gibaan. Let’s move forward para sa bayan. Mahal kayo ni Bong Revilla. Alam ko may purpose si God sa akin.”


Nasa farm si Bong that time at mukhang mas marami siyang time na mag-stay doon ngayon at out muna sa pulitika. 


“I will spend time with my family, magpahinga, mag-aalaga muna tayo ng apo. Sa inyong lahat, mahal ko kayo. Walang sama ng loob. Mahal ko kayo,” sey ni Bong.


Habang wala siya sa pulitika, magagawa na ni Bong ang mga nakaplano niyang pelikula at puwede na uling gawan ng sequel ang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis (WMNPSMNM) nila ni Beauty Gonzalez.


Marami raw plastic sa pulitika…

NETIZENS KAY LUIS: SA SHOWBIZ KA NA LANG!


ANG bilis ding nakapag-move on ni Luis Manzano sa resulta ng katatapos na midterm elections kung saan hindi siya pinalad na manalo. 

Nag-shift agad at binalikan nito ang pagiging TV host at tinanong ang mga netizens ng “Ano mas trip ninyo bumalik? Rainbow Rumble (RR), Deal or No Deal (DOND), or Minute to Win It (MTWI)?”


Sinundan ni Luis ng “Game!” ang tanong niya. Ibig sabihin, ready na siya na balikan ang pagiging host at pinapapili ang mga netizens kung sa ano’ng show nila gustong mapanood uli si Luis.


Iba-iba ang choice ng mga friends at followers/fans ni Luis. Ang asawang si Jessy Mendiola, RR ang unang gustong gawin ni Luis. Si John Prats, ang 3 shows daw. Si Robi Domingo, It’s Your Lucky Day (IYLD) ang gustong unahin ni Luis. May nag-request naman ng Game Ka Na Ba? (GKNB).


Anuman ang unahing gawin ni Luis, susuportahan ng mga fans dahil sabi nga nila, na-miss nila si Luis. 


May nag-comment pa nga na iwan na niya ang pulitika at sa showbiz na lang siya. Mas marami raw totoong tao sa showbiz at marami namang plastic sa pulitika.

In fairness kay Luis, ang daming bumoto sa kanya at ibig daw sabihin, marami ang nagmamahal sa kanya. Hindi pa lang tamang panahon na pasukin niya ang pulitika at sana raw, hindi pa rin mawala sa puso niya ang makatulong sa mga nangangailangan.



NAKAKATUWA si Sharon Cuneta dahil hindi lang pinasalamatan, kinunan din at ipinost ang reels ng mga volunteers ng asawa at ngayon ay balik sa pagiging senador na si Kiko Pangilinan. 


Nakakatuwang panoorin ang pagkakagulo at tuwa ng mga volunteers nang malamang pumasok sa Top 12 si Kiko at pang-No. 5 pa.


Sey ni Sharon, “Nu’ng akala namin, malabo na, mahirap na, madilim na... Our hardworking volunteers and staff on Election Night. They are the ones who never gave up on their dreams and hopes for the future of our country. They worked tirelessly for Kiko to win—leaving their families and loved ones for days, weeks, months on end to bring us to the finish line. 


“We love and value each and every one of you guys. When we saw this on video on May 12, we were overwhelmed and touched and became emotional not just because of the amazing, unexpected results, but because we saw and felt the pure joy in your hearts... 


“You are ours always. You took care of my husband when I couldn’t be with him. You kept him company and encouraged and supported him. We love and adore you. We will continue to fight because of you and those like you.”


In-acknowledge ni Sharon na hindi mananalo si Kiko kung wala ang mga volunteers. 

“We love you. And you are so very precious to us. Thank you from the depths of all our hearts,” pasasalamat ni Mega.

 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | May 15, 2025



Photo: Ara Mina - FB


Hindi pinalad si Ara Mina na makapasok bilang konsehala sa distritong kanyang nasasakupan sa Pasig. Pero sport namang tinanggap ng aktres ang pagkatalo.


Sa isang emosyonal at taos-pusong mensahe, pinasalamatan niya ang mga Pasigueño sa tiwala at pagmamahal na ipinadama sa kanya sa buong panahon ng kampanya.


“Maraming salamat, Pasig! Hindi man ako pinalad na manalo bilang konsehal, tagumpay pa rin sa puso ko ang bawat yakap, suporta, at tiwalang ipinagkaloob ninyo sa ‘kin,” saad niya.


Para sa aktres, hindi ang boto ang tunay na sukatan ng tagumpay kundi ang pagkakaisa at tiwalang ipinamalas ng mga tao sa kanyang layunin.


Sey pa niya, “Ang laban ay hindi natatapos sa halalan. Ito ay simula pa lamang ng mas masigasig kong paglilingkod sa inyo, sa anumang paraan na kaya ko.”


Naniniwala si Ara na sa kabila ng hindi pagkapanalo, mananatili siyang lingkod-bayan sa puso at sa gawa.


“Patuloy kong dadalhin ang boses ng mga ina, kabataan, senior citizens, at mga PWD—dahil sila ang inspirasyon ng aking adhikain,” pahayag pa ni Ara.


Ipinakita ng aktres na ang kanyang layunin ay hindi huminto sa kampanya, bagkus ay bahagi na ito ng kanyang misyon sa buhay.

Bukod sa maraming cakes… BAHAY NI JUDAY, NAG-ALA-FLOWER SHOP SA DAMI NG B-DAY GIFT


Ibinahagi ni Judy Ann Santos kung paano niya isinelebreyt ang kanyang 47th birthday noong May 11.


Double celebration ang nangyari dahil that day din ang Mother’s Day.


Aniya sa kanyang IG Stories, “Celebrated my birthday and Mother’s Day, just the way I like it.

“Simple, masaya lang, wala masyadong abala maliban sa sandamakmak na flowers and cakes na nagpaligaya nang husto sa ‘kin. Hanggang ngayon, mistulang flower shop ang bahay namin,” wika pa ng Teleserye Queen.


Pinasalamatan ni Juday ang lahat ng nakaalala sa kanyang kaarawan.

Aniya, “Thank you to everyone who remembered... ramdam na ramdam ko ang pagmamahal ninyong lahat. Thank you Lord for another year full of blessings and love.”

Ang dami ring bumati sa aktres thru her IG comments section. 


Maging ang kaibigang si Gladys Reyes ay hindi nakalimot sa special day ng aktres. Ipinost niya ang snapshots mula sa kanilang get-together kalakip ang nakakaantig na mensahe.


Aniya, “To my forever MARA, my sister from another family, happy birthday and happy Mother's Day Jud @officialjuday!


“Salamat at pagkatapos ng mahabang panahon, muli tayong nagkasama kasabay ng mahabang kuwentuhan at tawanan! ‘Di man tayo madalas magkita, tulad ng pangako natin sa isa’t isa, walang magbabago sa pagmamahalan natin!”



NAALIW ang mga netizens sa request ni Jason Abalos sa Comelec sa nagdaang eleksiyon.


Sa Facebook (FB) page ng aktor ay ibinahagi niya ang kanyang larawan mula sa listahan ng official at registered voters sa Comelec.


Iba kasi ang hitsura ru’n ni Jason dahil bata pa siya at hindi updated ang kuhang larawan.


Ani Jason, “COMELEC, Puwede po ba palitan ang picture sa voter’s ID?”

Dagdag pa niya, “Idol ko po kasi noon si Dirk Nowitzki, suot ko rin Dallas jersey, naglalaro kami sa plaza, naisip ko lang po magpa-register.”


Hirit pa niya, ito raw ang mga panahong wala pa siyang konkretong pangarap sa buhay.

Sa comment section ay makikitang nagbiro pa ang aktor.


Sey niya, “Sana sinabihan tayo na ipo-post nila, pinaghandaan sana natin.”


Marami naman sa mga netizens ang naka-relate sa naramdaman ng aktor.


“‘Yung sa amin, mukha kaming casualties ng Battle of Mactan,” saad ng isang netizen.

Sey naman ng isa, “Kamukha mo pala si Benhur Abalos, Jason Abalos.”


“Parang nawawalang member ng The Beatles,” komento naman ng isa.


Ang aktor ay tumakbong provincial board member ng 2nd District ng Nueva Ecija. Base sa partial result ay nasa ikalawang puwesto ang aktor na may 101,971 habang nasa 1st spot si Dindo Dysico na may 130,218 na boto.


Dati na siyang tumakbo bilang board member ng 2nd District ng nabanggit na lalawigan sa ilalim ng PDP-Laban kung saan siya ay nagwagi.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page