Relasyon, aprub sa pamilya ng isa't isa… RICCI, SERYOSO NA KAY JULIANA

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | September 21, 2026

Photo: IG _riciiirivero & _gomezjuliana
Mukhang seryoso na ang relasyon ni Juliana Gomez at ng basketbolistang si Ricci Rivero.
Nang magdaos kasi ang unica hija nina Richard Gomez at Lucy Torres ng kanyang 26th birthday recently, dumalo ang parents ni Ricci sa selebrasyon kaya nakasama nila.
Hindi itinago ng dalawa ang kanilang relasyon at madalas silang mag-post sa social media ng kanilang mga larawan na magkasama sa mga events. Madalas
ding manood ang anak ni Goma kapag may laro ang kanyang BF.
So far, wala namang pagtutol si Richard sa piniling lalaki ng kanyang unica hija. At ilang beses na rin niyang nakakasama ang dalawa sa kanyang mga lakad.
Mukhang pasado naman sa kanya ang basketbolista, at for sure, nagkaroon na rin sila ng heart-to-heart talk.
Dahil dito, posibleng humantong na rin sa pagpapakasal ang kanilang relasyon. Ever since ay hindi naman ganoon kahigpit si Richard sa mga manliligaw ng kanyang anak, pero tiyak na aware ang mga ito na kailangang seryoso sila sa kanilang panliligaw.
Pinatunayan ng basketbolista na sinsero siya sa kanyang layunin sa prinsesa nina Richard at Lucy. Mukhang handa na niyang pakasalan ang dalaga.
NANG mag-guest si Alden Richards sa Gandang Gabi Vice (GGV), nalantad sa publiko ang ilan sa kanyang mga himutok sa buhay. Bagama’t marami ang nagsasabing napakasuwerte niya dahil sumikat siya nang husto at kumita ng milyones, napakabigat naman ng responsibilidad na nakaatang sa kanyang balikat.
Bilang breadwinner, kailangan niyang isakripisyo ang kanyang personal na kaligayahan. Naging prayoridad ni Alden ang kanyang career, kaya halos wala na siyang pahinga sa dami ng kanyang commitments at wala na siyang panahon para sa sarili.
Kaya may hugot siya sa pagsalang niya sa show ni Vice Ganda, kung saan nailabas niya ang kanyang mga kinikimkim na hinanakit.
Ganunpaman, patuloy pa rin si Alden sa pag-abot ng kanyang mga pangarap. Marami pa siyang gustong ma-achieve sa buhay, kabilang ang pagkakaroon ng matatag na negosyo.
At sabi nga ng isang sikat na psychic, posibleng iwanan ng aktor ang showbiz kapag natupad na ang kanyang mga plano sa buhay. Dito raw niya makakamit ang tahimik at masayang buhay na gusto niya.
Ibang-iba kay Gabby…
SHARON, IBINULGAR NA MALA-DADDY NIYA SI KIKO
KAPAG napag-uusapan ang tungkol sa kasal, hindi maiwasan ni Megastar Sharon Cuneta na ikumpara ang kasal nila noon ni Gabby Concepcion sa pag-iisang-dibdib niya kay Sen. Kiko Pangilinan.
Parehong bata pa sina Sharon at Gabby nang sila ay magpakasal. At dahil mayor ng Pasay ang tatay ni Mega na si Pablo Cuneta, malalaking personalidad at pulitiko ang kanilang naging ninong at ninang. Isa na rito ang dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr. na nagsilbing principal sponsor.
Idinaos ang kanilang engrandeng church wedding sa Manila Cathedral noong September 23, 1984. Libu-libong fans ang dumagsa upang masaksihan ang seremonya, kaya inilarawan ang dami ng tao na tila may rally.
Naghiwalay sina Sharon at Gabby noong 1987, at kalaunan ay napawalang-bisa ang kanilang kasal. Isa ito sa mga pinakatanyag na celebrity wedding noong panahong iyon.
Ilang taon matapos ang paghihiwalay nila ng aktor, nagpakasal via civil wedding sina Sharon at Kiko. Ayon kay Mega, masaya ang kanyang dad nang magpakasal sila dahil botong-boto ito sa bago niyang mister.
Well, ang nagustuhan ni Sharon kay Kiko ay marami itong pagkakatulad sa kanyang ama. Pareho silang family-oriented, mabait at matulungin sa kapwa.
Para mabuo ang pamilya…
DEREK, SI ELLEN PA RIN ANG GUSTO
AYON sa isang psychic/card reader, walang karelasyon ngayon si Derek Ramsay at wala itong balak na humanap ng kapalit ni Ellen Adarna.
Sa kanyang mga negosyo nakatutok ang aktor, pero gagawin niya ang lahat upang suyuin at muling bumalik sa kanya si Ellen. Gusto niyang mabuong muli ang kanyang pamilya.
Hindi na rin siya gaanong interesado na ipagpatuloy ang kanyang showbiz career. Kumikita naman ang kanyang mga negosyo at sapat na iyon upang mabuhay siya nang maginhawa.





Comments