top of page
Lakam Chiu at Kim Chiu - IG.jpg

Nagkagulo dahil sa pera… BOYET, AYAW MAKIALAM PERO TODO-ASANG MAGKAKABATI RIN SINA LOTLOT AT IAN

Writer: BULGAR
BULGAR
2 hours ago
3 min read

ni Mercy Lejarde @Talkies | September 21, 2026



TALKIES - BOYET, AYAW MAKIALAM PERO TODO-ASANG MAGKAKABATI RIN SINA LOTLOT AT IAN_FB Lotlot de Leon & Ogie Diaz Inspire

Photo: FB Lotlot de Leon & Ogie Diaz Inspire



Sa unang pagkakataon, nagsalita na ang multi-awarded actor na si Christopher de Leon tungkol sa hidwaan ng magkapatid na sina Lotlot at Ian de Leon, mga anak nila ng Superstar at National Artist na si Nora Aunor.


Sa panayam sa YouTube (YT) channel ng talent manager-aktor na si Ogie Diaz, ibinahagi ni Boyet kung paano niya hinaharap ang hindi pagkakaunawaan ng kanyang mga anak. Tinanong ni Ogie kung nasaan siya noong kasagsagan ng pagtatalo nina Lotlot at Ian.

“Nakausap ko na silang dalawa, hiwalay. Ayokong makialam, because ang pinag-aawayan nila is the mom, the mother, and ang pinag-aawayan is a sort of foundation that involves…” pahayag ni Christopher.


Hirit naman ni Ogie, “Money matters.”


“Okay, sige, ikaw na nagsabi. ‘Pag ganyan, ayokong makialam. Like for example, during the wake, when the death and the wake plus ano, the burial, I was just quiet. I was just there. I was quiet and ‘di ako nakialam,” ani Christopher.


Ayon pa sa aktor, mas pinipili niyang kausapin nang direkta sina Lotlot at Ian kesa makisawsaw sa kanilang alitan sa publiko.


Ani Boyet, “‘Di ako ‘yung showbiz na tatay. Nandito na ako sa stage ng buhay ko na, ‘Bakit ako tatalak? Bakit ako magsasalita ng mga bagay na ipapaalam ko sa lahat?’ Kung mayroon akong gustong sabihin, sasabihin ko ‘yan sa ‘yo nang diretso.


“Sasabihin ko kay Lotlot nang diretso, sasabihin ko kay Ian nang diretso na, ‘Mali ka, ito ‘yan. Ikaw, mali. Bahala kayo, malaki na kayong pareho, alam n’yo na ang dapat ninyong gawin, kung mag-aaway kayo.’”


Para kay Christopher, nasa hustong gulang na ang kanyang mga anak at alam na rin nila kung paano haharapin at aayusin ang kanilang problema.


Sey niya, “Siguro, one day, magkakaayos ‘yan. Definitely, one day, magkakaayos ‘yan. ‘Di puwedeng hindi, at ‘di ko rin naman papayagan na ‘di magkaayos. By the grace of God, magkaroon ng reconciliation ‘yung dalawa.


“Kasi masyado pang mainit ngayon. ‘Pag pumasok ka ru’n sa heat ng gulo, lalo lang gugulo. Tapos, mapi-pick up na ni ganito, ni ganu’n. Tapos, lalaki na, lalabas na sa diyaryo, sa postings. Iba na ‘yung sasabihin. Mami-misinterpret na kayong lahat. Pati ikaw, kasama ka na ru’n sa tsismis. Eh, bakit ako makikitsismis at this point in my life?”


Samantala, sinabi ni Ogie na marami ring netizens ang naghihintay kung kanino kakampi si Boyet, kay Lotlot o Ian.


Ani Christopher, maging siya ay nagulat kung bakit tila nagbago ang relasyon ng magkapatid matapos pumanaw ang kanilang ina.


Giit niya, “Ayun nga ‘yung ipinagtataka ko, eh. Du’n ako nagulat na bakit biglang nag-iba ‘yung ihip ng hangin after the death of their mother. ‘Yan ang pinakaayaw natin siguro. 


“Maraming nag-aaway sa mga naiwan, inheritance or whatever, kung mayroon man, bakit ninyo pag-aawayan ‘yung ganu’n?


“But they have their own reasons why they’re acting like that. So ‘di mo mapapakialaman ‘yun.”


Nang tanungin naman ni Ogie kung sumuko na ba siya sa pag-asang magkakaayos ang magkapatid, mariing sinabi ni Christopher na hindi.


“‘Di ako susuko. Hanggang ngayon, kausap ko sila. Mayroon nga akong ginagawang hakbang para mag-ease up muna ‘yung isa.


“I’m not worried. It will happen naman. Hopefully, maayos sooner, the better,” saad ni Christopher.


Well, sana nga magkaayos na ang magkapatid na sina Ian at Lotlot para naman maging masaya si Bok (Nora) sa heaven.


At sa tanong kung sino ang pipiliin ni Christopher sa pagitan nina Lotlot at Ian, sure si yours truly na pareho niyang mahal ang kanyang mga anak. ‘Yan ang nakita mismo ng aking tantalizing eyes.

‘Yun na!





NAGBAHAGI ng bukas na liham ang broadcast journalist na si Karen Davila para sa kanyang bunsong anak na si Lucas nang ihatid niya ito sa University College London (UCL).


Sa kanyang social media post, ibinahagi ni Karen ang isang mensaheng puno ng pagmamahal para sa anak bilang pagsisimula nito sa panibagong yugto ng kanyang buhay.


Ani Karen, “A NEW CHAPTER. My dearest Lucas, you are deeply loved. Always carry this with you, no matter what room you are in.


“As you walk into your new world, make your own choices, find your own people, stumble and get back up… may you always remain firm and grounded on the man you are meant to be.


“Keep your eyes fixed on what is good. Be courageous and be kind. Always remember, your dad, David and I will always be your forever home.”


Anyway, good luck, Lucas, sa iyong college life. Wishing you all the best sa panibagong chapter ng buhay mo.

‘Yun lang, and I thank you.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page