top of page
Search

ni Mylene Alfonso @News | July 19, 2025



File Photo: Sen. Imee Marcos / Comelec


Nanawagan si Senadora Imee Marcos sa kanyang kapatid na si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na lagdaan na bilang batas ang panukala na nagtatakda ng apat na taong termino para sa mga opisyal ng Barangay at Sangguniang Kabataan.


Ang parehong panukalang batas ay nagtatakda rin para iurong ang BSK Election sa unang Lunes ng Nobyembre 2026. “Ayan na! Na-transmit na sa wakas kay PBBM! Ang tagal bago makarating, parang tumambay pa kung saan. Kaya, beke nemen, pirmahan na ‘yan!” wika ni Marcos sa isang pahayag. 


Matagal na aniyang inaprubahan ng Senado at Kamara ang naturang panukalang, pero nitong Hulyo 10 lang naipadala mula sa House of Representatives patungong Senado, at noong Martes, Hulyo 15, lamang ito inihain sa Palasyo. 


“Sa pagkakaalala ko, hindi karaniwan ang ganitong katagal. Wala ring sapat na paliwanag kung bakit natagalan nang husto. Sa totoo lang, matagal nang tapos ang trabaho sa Senado,” ayon kay Marcos. 


Batay sa Saligang Batas, may 30 araw ang Pangulo mula sa araw ng pagtanggap para pumirma o mag-veto. 


Kapag hindi ito pinirmahan o vineto sa loob ng panahong iyon, awtomatiko itong magiging batas. 


“Anim na buwan na silang nakaabang. Karapatan nilang malaman kung hanggang kailan sila sa pwesto. Ang tagal-tagal na, oras na para tuparin ang batas,” punto pa ni Marcos. 

“Pumirma man o hindi, basta’t maging batas na. Let’s get it done, para klaro na ang lahat,” dagdag ng Presidential sister.

 
 

ni Madel Moratillo @News | May 20, 2025



Photo File: Bagong Henerasyon, Duterte Youth, George Garcia - FB, Comelec


Sinuspinde ng Commission on Elections (Comelec) ang proklamasyon ng Duterte Youth at Bagong Henerasyon Partylist. 


Ang Duterte Youth ay nakakuha ng 5.6% ng partylist votes na katumbas ng 3 seats habang ang Bagong Henerasyon naman ay may 1 seat. 


Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, 'yan ay dahil sa mga naka-pending pang petisyon laban sa mga ito sa Comelec. 


Sa resolution ng National Board of Canvassers, may seryosong alegasyon sa mga ito dahil sa paglabag umano sa election laws. 


Ayon sa Comelec, dedesisyunan ito bago ang Hunyo 30. 


Sa isang pahayag, sinabi ng Duterte Youth na kukwestyunin nila sa Korte Suprema ang suspensiyon. 


Sabi naman ng Bagong Henerasyon, hindi nila alam na may kaso laban sa kanila. Naghain na umano sila ng urgent motion sa Comelec para iproklama.

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | May 16, 2025



Photo: Willie Revillame - FB


Very open si Willie Revillame sa pagkadismaya pagkatapos matalo sa kanyang senatorial bid last election.


Napakasakit para kay Willie ang sinapit niyang pagkabigo sa unang attempt sa pagka-senador. Ang dami rin niyang isinakripisyo sa kanyang pagtakbo at isa na riyan ang Wowowin program niya sa TV5.


Ayon sa aming source, si Willie raw mismo ang nagpatigil ng kanyang programa dahil sa pagkandidato nga niya last election. 


At ngayong tapos na ang eleksiyon, wala pa rin daw balak si Willie na ibalik sa ere ang programa niya.


Hindi naman daw dahil naubusan na ng pondo si Willie pang-produce ng kanyang show. Katunayan, ni hindi nga raw nabawasan ang pera niya at nagamit sa kanyang kampanya last election.


May sponsor daw kasi si Willie sa kanyang pagtakbo. May ibang nagsasabi na ang isang mining company owner ang nag-sponsor kay Willie sa kanyang pagtakbo.

Sabi naman ng source namin, ang GP (Galing sa Puso) Partylist ang gumastos sa kampanya ni Willie.


Hindi kami sure kung ang mining company owner at GP Partylist nominee ay iisa. Basta ang sure, may nag-sponsor kay Willie at ‘di niya sariling pera ang ginamit sa kampanya ng TV host.


Anyway, duda tuloy ng aming source ay baka mas kumita pa raw si Willie kesa nalugi sa pagtakbo last election.



DUMAGSA ang intriga sa mga kamakailang episode ng FPJ’s Batang Quiapo (BQ) sa pagdating ng dalawang bagong karakter na ginagampanan ng beteranong aktor na si Leo Martinez at ng Filipino-Korean actress na si Angeli Khang.


Napanood na ang mga eksena nina Leo at Angeli sa BQ this week.

Sa naturang episodes din, nakaeksena nila ang mga major characters sa Kapamilya action-drama series sa pangunguna ng bida, direktor, at producer ng BQ na si Coco Martin.


Ipinakilala si Leo sa kuwento bilang si Mr. Kwon, isang negosyante na nakipag-deal sa pamilya Montenegro. Kasama niya ang kanyang apo at tagapagmana, si Veronica, na ginampanan ni Angeli.


Ang kanilang unang araw ng paggawa ng pelikula para sa BQ ay itinakda sa loob ng marangyang Montenegro mansion, kung saan nag-debut ang dalawang karakter.


Kung pagbabasehan ang mga eksenang ipinalabas sa ngayon, mukhang medyo nagkakasundo si Mr. Kwon at ang mga Montenegro. Maging si Tanggol (Coco Martin) ay hindi maitago ang kanyang tuwa nang pagmasdan niya ang magandang si Veronica. 


Mabilis na nakuha ng mga manonood ang chemistry nina Coco at Angeli, at marami ngayon ang nag-iisip kung mas lalalim ba ang koneksiyong ito nina Tanggol at Veronica sa mga susunod na araw.


Pero siyempre, hindi pa tayo dapat masyadong kampante. Kung tutuusin, kilala ang BQ sa mga hindi inaasahang pagliko at paglilipat ng mga alyansa nito. Kaya ang tunay na tanong ay—talaga bang mapagkakatiwalaan sina Mr. Kwon at Veronica? O sa huli ay magiging kaaway sila ng pamilya Montenegro?


Huwag palampasin ang bawat episode ng BQ airing weeknights on Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live (KOL), TV5, and A2Z.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page