top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

'Di nakatiis… JANINE, TINAWAG NA BULOK ANG MGA PULITIKONG NAKIKIPAG-UNAHAN SA BAKUNA

  • BULGAR
  • Apr 6, 2021
  • 2 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | April 6, 2021




Swak na swak kay Janine Gutierrez ang role niya sa bago niyang movie na Dito at Doon kung saan katambal niya si JC Santos at available na for streaming dito sa 'Pinas simula nu'ng March 31.


Bilang si Len, mahilig mag-comment sa mga national issues ang karakter ni Janine sa Dito at Doon kaya nga nag-clash ang karakter nila ni JC sa simula bilang si Caloy.


Sa movie, may dialogue si Janine kung saan tinawag niyang 'bulok' ang dalawang senador na nakipag-unahan sa test kit para sa COVID-19.

Kaya sa virtual presscon ng Dito at Doon, natanong si Janine kung ganu'n din ba ang magiging reaksiyon niya sa mga pulitikong nakikipag-unahan ngayon sa pagpapabakuna kontra-COVID-19.


Prangkang sagot ng aktres, “Opo. Kasi, ang dapat naman talagang unahin, 'di ba, ay health workers? Tapos, frontliners, seniors.


"So, ano, eh, bakit ganu'n, 'di ba? Hindi ko rin maintindihan kung paano nila nakakaya na unahan 'yung mga tao na mas nangangailangan.


“'Yung mga frontliners natin, ang tagal nang nagsasakripisyo para lang... alam mo ‘yun, matulungan lahat ng naghihirap, nagkakasakit.


“So, deserve lang na dapat talaga, sila ang i-prioritize natin pagdating sa bakuna.”


At sa tanong kung matatawag nga rin niyang bulok ang mga pulitikong nakikipag-unahan ngayon sa bakuna, sagot ni Janine, "Oo, it's a tie!"


Tarush, devah?!


Pero sa movie, hindi naman nakasentro ang kuwento sa pagiging opinionated ni Janine kundi sa nabuong love story sa kanila ni JC during the pandemic.


At kahit lima lang silang cast ng movie, may comic relief na dala ang tambalan nina Yesh Burce at Victor Anastacio, habang lumutang pa rin naman ang karakter ni Lotlot de Leon bilang nurse na nanay ni Janine.


Anyway, mula sa direksiyon ni JP Habac, mapapanood ang Dito at Doon via streaming apps such as KTX.ph ( https://www.ktx.ph/ ), Cinema '76 @ Home (https://cinema76fs.eventive.org/welcome), iWant TFC ( https://tfc.tv/ ), Upstream ( https://upstream.ph/ ) and Ticket2Me (https://ticket2me.net/).







Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page