top of page
Search
  • BULGAR

‘Di nakapagpigil, Rayver… JANINE, UMAMING KILIG NA KILIG KAY JC NANG MAGKASAMA

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | May 17, 2021




Nagulat sina JC Santos at Janine Gutierrez nang malamang may chemistry pala sila nang gawin nila ang pelikulang Dito at Doon na extended ang streaming sa KTX, Cinema 76 @Home, iWantTFC, Ticket2Me, Upstream at sa over 60 countries, kasama ang USA, Canada, at selected territories sa Middle East at North Africa via TBA Play.


For a full list of countries and updates on availability in other regions, visit tba.ph and follow https://www.facebook.com/tbaplaymovies.


Sa ginanap na thanksgiving mediacon ng Dito at Doon noong Mayo 13 ay natanong sina JC at Janine tungkol sa chemistry nila.


“Yes, na-enjoy ko ‘yung process habang isinu-shoot namin and I think gets ko na simula nu’ng nagre-react si Janine sa lahat ng mga kalokohang ginagawa ko sa eksena. I think doon pa lang, ‘Okay na, magandang tingnan na ‘to.’ So, may ganu’n na ako, visually si Direk na ‘yung may (gawa) ano ru’n, na-edit niya nang maayos ‘yung pelikula na tama lahat ng ginagawa namin. And yes (may chemistry),” sagot ng aktor.


Oo nga, hindi naman kasi lahat ng pinagtatambal sa pelikula o series ay nagki-click.


Sagot naman ni Janine, “Ako, hindi na-surprise kasi naramdaman ko na siya (JC) on set at kinikilig talaga ako, hahaha! Tapos, all the more, lagi naming inaabangan ni JC si Direk (JP Habac) kasi habang sinasabi niya ‘yung ‘Cut!’ natatawa siya. So, parang ‘yun ‘yung metro namin kung ‘Uy, kinilig si Direk,’ ‘Uy, natawa si Direk.’ So nu’ng okay si Direk, puwede, puwede (love team)!”


Samantala, sa huling mediacon ng Dito at Doon ay nabanggit ni Janine na sobra siyang kinilig kay Regine Velasquez nang makasalubong niya sa hallway ng ABS-CBN dahil sabi ng Songbird ay feeling niya ang ganda-ganda niya nu’ng araw na ‘yun, pero nang makita niya ang leading lady ni JC ay mas maganda ito sa kanya.


Sa thanksgiving mediacon naman ay may bagong nagpakilig kay Janine.


“Babae po ulit ‘yung nagpakilig sa akin. After po ng MMK episode namin ay ishinare po nila sa amin ‘yung reaksiyon ni Ma’am Charo (Santos-Concio) na nagustuhan po niya ‘yung episode. So ayun, kinikilig po ako sa thought na ‘yun,” masayang kuwento ng aktres.


Anyway, iisa ang hiling ng lahat ng nakapanood ng Dito at Doon na magkaroon ng part 2 o sequel na ayon naman sa taga-TBA Studios na si Daphne Chiu ay waiting sila sa go signal ng producers at say naman ni Direk JP ay anytime, okay sa kanya.


Ang iba pang projects ng TBA Studios ay ang Quezon, final installment ni Direk Jerrold Tarog na historical trilogy at sisimulan na ang pre-production sa June.


Ang next ay ang international release ng Hollywood action comedy na The Comeback Trail na pagbibidahan nina Robert de Niro at Morgan Freeman.


Gayundin ang pelikulang Boundary nina Ronnie Lazaro at Raymond Bagatsing na mula naman sa direksiyon ni Benito Bautista, documentary A is for Agustin ni Grace Simbulan at short films na Life Is What You Make It ni Jhett Tolentino, The Interpreter ni Benito Bautista, at Angelito ni Jerrold.


Umaarangkada rin ang domestic digital platform na Cinema ‘76 @ Home na malapit nang ipalabas ang dark comedy na Devil Has A Name, at award-winning arthouse film na Show Me What You Got.


Malapit na ring buksan ang Cinema ‘76 café sa Anonas, Quezon City, malapit sa Cinema ‘76 microcinema at open for delivery.


TBA Studios is likewise amping up its YouTube channel with a new series Sing Out Loud that features indie OPM artists.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page