top of page

'Di lang nanguna sa crime rate, Manila, top 5 sa risky city for tourist

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 20, 2024
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | July 20, 2024


Prangkahan ni Pablo Hernandez

MGA MAY POLITICAL DYNASTY, LOVE NG MGA SURVEY FIRM KASI MGA MAGKAKAPAMILYANG PULITIKO ANG LAGING PINU-PROMOTE SA SURVEY --Sa magkakasunod na top 12 senatorial survey ng Octa Research, Pulse Asia at sa top 50 performing congressmen and congresswomen survey at top 15 performing governors survey naman ng RP-Mission Development Foundation Inc. (RPMD) ay mga politician na may political dynasty ang nagta-top sa kanilang mga survey.


Diyan makikita na “love” ng mga survey firm ang mga may political dynasty kasi mga magkakapamilyang pulitiko ang laging pinu-promote nila sa kanilang survey, buset!


XXX


ONLI IN DA ‘PINAS NA TOP PERFORMING GOVERNOR SA MGA PROBINSYA NA HINDI PASOK SA TOP 20 RICHEST PROVINCES -- Sa data ng Commission on Audit (COA), sa 82 lalawigan ng Pilipinas, ay may top 20 richest provinces at ang mga ito ay Cebu, Rizal, Batangas, Davao de Oro, Ilocos Sur, Bukidnon, Iloilo, Negros Occidental, Cavite, Pampanga, Palawan, Leyte, Isabela, Surigao del Norte, Camarines Sur, Pangasinan, Zamboanga del Sur, Negros Oriental, Bulacan at Nueva Ecija.


Hindi kasama sa top 20 richest provinces ang 10 probinsya na kinabibilangan ng Quirino, Zamboanga Sibugay, Maguindanao del Sur, South Cotabato, Sultan Kudarat, Misamis Occidental, Southern Leyte, Davao Oriental, Oriental Mindoro at Banguet, pero ang mga governor sa 10 lalawigang ito, ayon sa RPMD ay mga top performing governors daw.


Onli in da ‘Pinas lang ‘yan, na ang mga governor sa mga lalawigang hindi kasama sa top 20 richest provinces ay mataguriang top performing governor, he-he-he!


XXX


KAPALPAKAN SA WHEELCHAIR RAMP SA EDSA BUSWAY, PINANINDIGAN NG MMDA -- Pinanindigan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na hindi raw palpak ang proyekto nilang matarik na wheelchair ramp sa EDSA Busway dahil ginhawa raw ang dulot nito, hindi lang sa mga persons with disability (PWDs) kasi kahit daw mga senior citizen at mga buntis puwedeng dumaan dito.


Imbes akuin ang kanilang kapalpakan, pinanindigan pa ng MMDA ang proyekto nilang palpak, boom!


XXX


MANILA, TOP NA SA CRIME RATE SA SOUTHEAST ASIA, PASOK PA SA TOP 5 RISKY CITY FOR TOURISTS -- Sa research ng Numbeo Website, top ang Manila sa crime rate sa buong Southeast Asia, at ayon naman sa Forbes Website ay sa 60 international cities na kanilang sinearch, pasok sa top 5 ang Manila sa risky city for tourists.


Hay naku, ganyan na pala kadelikado ang capital of the Philippines, tsk!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page