Maynila, lubog pa rin… MAYOR ISKO, MAY SOLUSYON SA BAHA NA GUSTONG GAWIN NG GOBYERNO

by Janiz Navida @Showbiz Special | September 12, 2026

Photo: IG _garyvalenciano
Special guest of honor si Manila Mayor Isko Moreno at Vice-Mayor Chi Atienza sa ginanap na Mid-Autumn Festival, also known as Mooncake Festival, last Thursday sa 7th floor ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry, Inc. (FFCCCII) Bldg. sa Muelle de Binondo, Manila.
Present din siyempre ang mga officials ng FFCCCII sa pangunguna nina Mr. Victor Lim (president), Dr. Cecilio Pedro (honorary president), Mr. Wilson Flores and Mr. Eduardo Cobankiat (board members), Ms. Candice Tan, at Mr. Jeffrey T. Ng (executive vice-president).
Sa kanyang speech, idiniin ni Yorme Isko na nakikiisa siya sa layunin at adbokasiya ng FFCCCII na ang tema ng selebrasyon ngayong taon para sa Mid-Autumn Festival ay Celebrating Harmony, Tradition and Strong Media Partnerships.
Nabanggit din ng Manila mayor na sa kanyang pagbabalik sa lungsod, isa sa mga tinututukan ng kanyang pamamahala ang pagtatayo ng mas maraming classrooms bilang paghahanda sa susunod na 10 taon kung saan parami nang parami ang populasyon sa Maynila.
In fact, 10-storey building nga raw ng Ramon Magsaysay High School ang itatayo sa lungsod bilang bahagi ng kanyang mga proyekto.
Nakumusta naman namin kay Yorme ang estado at mga plano nilang flood control sa Maynila lalo’t sunud-sunod na naman ang pagbaha ngayon, at kasabay pa riyan ang malaking problema sa basura na nagpapalala rin ng problema sa baha.
Tiniyak naman ni Mayor Isko na may mga proposed flood control projects sila sa pakikipagtulungan sa MMDA para masolusyunan ang problema ng baha lalo na sa parteng España at Taft Avenue. Sana nga raw ay mai-apply din ito ng national government para mabawasan ang problema sa baha sa mas maraming lugar.
Although, aminado naman si Yorme Isko na hindi masosolusyunan agad-agad ang problema sa baha pero patuloy daw nilang inaaksiyunan ito.
Hindi na nagtagal sa event si Yorme kaya ‘di na namin natsika ng mga isyung showbiz.
Samantala, masayang umuwi ang mga press people at vloggers dahil sa nakakaaliw na dice game na inihanda ng FFCCCII para sa lahat ng mga dumalo, kung saan maraming minor and major prizes ang napanalunan at walang umuwing luhaan dahil may giveaways din.
Bongga!
Expert na sa mga breakup…
NIKKI, MAY TIP PARA MABILIS MAKA-MOVE ON
ANG lakas ng tawa ni Nikki Valdez sa nakaraang Spotlight mediacon kung saan present silang cast ng The Art of Breaking Up nang sabihin naming since siya ang pinaka-“experienced” pagdating sa mga ‘breakups’ ay ano ba ang pinaka-unforgettable niyang pakikipaghiwalay at mga tips na puwede niyang ibigay sa mga nahihirapang mag-move on.
Ani Nikki, marami na nga siyang pinagdaanang relasyon at iba’t iba siyempre ang kuwento kung paano siya nakipaghiwalay sa mga ex niya.
Pero parang pinakatumatak sa kanya is ‘yung breakup nila ng una niyang anak, na hindi naman na niya ikinuwento kung paano, pero ang mahalaga raw ay napatawad na rin niya ito.
Isa rin sa mga tips na binanggit niya ay hayaan lang daw ang sarili na mag-heal hanggang sa unti-unting maka-move on. Ang natutunan daw niya based on personal experience niya before, hindi tamang maghanap ng bagong dyowa o pumasok sa bagong relasyon para lang maka-move on sa pakikipag-break.
Well, sa edad at mga karanasan ngayon ni Nikki, for sure naman ay nag-mature na siya at marami na talagang natutunan, lalo pa’t sa bago nilang musical show na The Art of Breaking Up ay nakaka-relate sila sa mga eksena at tina-tackle na kuwento.
Sa presscon, nagbahagi nga sina Kolette Madelo, Jarren Garcia, Jude Hinumdum, Me-Ann Espinosa, Dingdong Bahan at Nikki Valdez ng kani-kanilang opinion tungkol sa love, heartbreak, at healing.
Tatalakyain ng The Art of Breaking Up ang iba’t ibang emotions na kasama sa pagtatapos ng isang relasyon—mula sa pagharap ng painful memories hanggang sa acceptance at paghahanap ng lakas para magpatuloy.
Sa pamamagitan ng stories, music, at performances ng The Art of Breaking Up, hinahangad ng cast na bagama’t maaaring maging painful ang heartbreak, maaari rin itong maging journey tungo sa self-discovery, acceptance, at healing.
Kabilang din sa cast sina Yen Santos, Teroy Guzman, Brent Manalo, JC Alcantara, Anna Luna, Analain Salvador, Jel Tarun, Yesh Burce, at AJ Sison, kasama sina Jake Cuenca, Janella Salvador, Yen Santos, Bibeth Orteza, Carlitos Siguion-Reyna, Ruby Ruiz, Jake Cuenca at Janella Salvador, sa ilalim ng direksiyon ni Dudz Teraña.
‘Wag palampasin ang kantahan, kuwento at emosyon na hatid ng The Art of Breaking Up mula November 6 hanggang December 6 sa PETA Theater Center.
Paldo! Panalung-panalo talaga!
AWARD-WINNING ACTOR, TODO-LAMBING SA LADY PRODU PARA MAKAHUTHOT, NAKABILI NG FARM AT NAIPASYAL ABROAD ANG BUONG PAMILYA
BLIND ITEM:
GALIT na galit pero awang-awa rin at the same time ang aming source na kaibigan ng lady producer dahil sa ginagawang panghuhuthot sa huli ng award-winning actor na isa sa mga bida sa ginawa niyang pelikula.
Nu’ng ginagawa pa lang daw ang movie, nandiyang todo kung maglambing ang award-winning actor sa lady producer at panay hingi ng ‘advance’, na ang ending ay nakabili na ito ng farm sa laki ng nakuha niya, na mas malaki nang ‘di hamak sa kanyang talent fee.
Inalok din niya ang producer ng ibinebentang sasakyan ng kanyang kaibigan at kahit nagbigay na ng pambili ang girl, wala naman ni manibela ng kotse na dumating sa kanya.
Nagbenta rin daw ito ng mga alahas ng lady producer pero wala ring ini-remit na pera. Hanggang sa nabalitaan na lang ng lady produ na nagbakasyon pala abroad ang award-winning actor at bitbit ang buong pamilya.
Ang huling hirit ng aktor, P500 K na gusto raw nitong ipagsimula ng negosyo, pero mukhang natauhan na ang lady produ kaya pinagmumura siya.
Hahaha! Akala siguro ng aktor ay walang katapusan ang biyaya niya dahil pumaldo na siya. Pero kung akala niya ay panalung-panalo siya sa lady produ, eh, sorry siya, nagising na sa katotohanan ang babaeng inaabuso niya.






Comments