‘Pinas, lubog na, hindi sa baha dahil sa ₱9.6 trillion utang

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | September 13, 2026

DAHIL SA PAGBIBIGAY NG VIP TREATMENT NANG PAYAGAN SI ROMUALDEZ NA ISANG BUWAN MAGPAGAMOT SA PGH, SANDIGANBAYAN PINUTAKTI NG BATIKOS SA SOCIAL MEDIA — Nagdesisyon ang Sandiganbayan na mula sa private hospital na Cardinal Santos Medical Center, ay pinalilipat si Leyte 1st Dist. Rep., former Speaker Martin Romualdez sa public hospital na Philippine General Hospital (PGH) at sa desisyon na isang buwan mananatili ang dating speaker sa PGH para sa pagpapagamot sa kanyang mga sakit.
Dahil sa desisyon na ‘yan ng Sandiganbayan ay pinutakti tuloy sila ng batikos ng netizens sa social media, kasi nga 'yung pag-aprub nilang isang buwan manatili para sa pagpapagamot kay Romualdez ay maituturing na itong VIP treatment, boom!
XXX
WALANG POLITICAL PERSECUTION KASI HINDI PA KONGRESISTA SI LEVISTE AT KAALYADO PA NG MARCOS ADMIN SI SEN. LOREN NANG IMBESTIGAHAN NG DOE ANG SOLAR PHILIPPINES — Panlilinlang sa publiko ang sinabi ng kampo ng mag-inang Sen. Loren Legarda at Batangas 1st Dist. Rep. Leandro Leviste na "political persecution" daw ang kasong plunder na isasampa sa mag-inang politicians na may kaugnayan sa P10 billion "ghost electricity" kasi nga raw ay madalas batikusin ni Cong. Leviste ang Marcos administration.
Salat ito sa katotohanan kasi hindi pa kongresista si Cong. Leviste at kaalyado pa ng Marcos admin si Sen. Loren nang umpisahan ng Department of Energy (DOE) ang pag-iimbestiga sa Solar Philippines (pag-aari ni Cong. Leviste) dahil sa pagkabigo nitong mag-deliver ng 12,000 megawatts pang-power supply sa pamahalaan at humantong ito para i-terminate ng DOE ang 24 solar gov't. projects contacts ng kumpanya ni Leviste Solar noong Sept. 2024.
Ang nais nating ipunto rito, year 2024 nang umpisahan ng DOE ang "paghahabol" kay Leviste, at July 2025 lang naging kongresista ito (Cong. Leviste) kaya napakalabo talaga ‘yung sinasabing pinupulitika lang ang mag-inang politician na ito, period!
XXX
UTANG NG ‘PINAS PUMALO NA SA P9.6 TRILLION IBIG SABIHIN HINDI MAKAKAAHON AT SA HALIP LALONG NALULUBOG SA UTANG ANG PHILIPPINES — Pumalo na sa P9.6 trillion ang utang ng Pilipinas sa mga financial institution sa mundo.
Hindi na talaga makaahon sa utang ang Pilipinas kasi imbes mabawasan, eh lalong nalulubog sa utang ang Philippines, tsk!
XXX
DAGDAG PASAHE SA MGA EROPLANO, DAGDAG-DUSA ITO SA MAMAMAYAN — Inaprub ng Civil Aeronautics Board (CAB) ang hirit na taas-pasahe ng mga pampasaherong eroplano sa bansa.
Mantakin n’yo, sobrang hirap na nga nararanasan ng mga Pinoy sa taas ng presyo ng mga bilihin, tapos dinagdagan pa ang dusa ng mamamayan sa pamamagitan ng taas-pasahe sa mga eroplano, buset!





Comments