Deserve raw na solo lang… KARYLLE, RUMAMPA SA RED CARPET KASAMA SI AMY, ‘DI NAGUSTUHAN’ NG FANS
ni Nitz Miralles @Bida | March 25, 2024

May tweet si Karylle Yuzon na, “Honored to be with my real life Tita, ang T'yang ng Bayan, Tita Amy Perez who has been in the noontime game since Kwarta o Kahon! If you know the keys game, comment down below! Hahaha! Thank you GMA!”
Ang ginamit na video ni Karylle sa kanyang tweet ay ‘yung red carpet rampa nila ni Amy sa contract signing ng ABS-CBN at GMA Network para sa airing ng It’s Showtime sa Kapuso Network simula sa April 6.
May mga nag-congratulate kay Karylle, pero mas marami ang nag-react at hindi nagustuhan na may kasama siya sa red carpet walk.
May nag-comment na deserve ni Karylle ang solo walk sa red carpet bilang isa siya sa main hosts ng IS.
Ang feeling ng mga nag-react, parang demoted si Karylle na may kasabay siyang rumampa sa red carpet. Lahat sila, nagsasabing “You deserve a solo walk.”
Inaalam tuloy kung sino ang nag-line-up ng naturang pagrampa ng IS hosts.
Anyway, open si Karylle na mag-cameo sa Sang’gre at excited siya to meet all the cast of Encantadia.
“Kung may magandang kuwento sa pagka-cameo ko, why not? I’m also very, very excited to meet the new cast,” wika ni Karylle.





Comments