top of page
Tom Rodriguez at Sam Milby - IG.jpg

DDS: Du30, matikas na humarap sa ICC, Romualdez naka-wheelchair, via Zoom na lang sa Sandiganbayan, mahinang nilalang!!!

Writer: BULGAR
BULGAR
4 hours ago
2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | September 18, 2026



Prangkahan ni Pablo Hernandez



MGA DDS LALONG SUMIGLA SA KABABATIKOS SA MARCOS ADMIN NANG MAKITANG HEALTHY SI FPRRD — Makalipas ang higit isang taon na pagkakakulong ay nakita ng publiko si former President Rodrigo Roa Duterte (FPRRD) nang humarap siya sa pagdinig sa International Criminal Court (ICC) kaugnay sa kinakaharap nIyang kasong crimes against humanity.


Dahil nakita ng publiko na healthy si FPRRD, sumigla ang Duterte Diehard Supporters (DDS) sa kababatikos sa Marcos administration na nagpakulong sa dating presidente sa ICC jail, period!


XXX


MARTIN ROMUALDEZ INALASKA NG MGA DDS NA ‘MAHINANG NILALANG’ KASI NAKA-WHEELCHAIR NANG HUMARAP SA SANDIGANBAYAN — Ikinumpara ng mga DDS ang pagharap ni FPRRD sa ICC at pagharap ni Leyte 1st Dist. Rep., former Speaker Martin Romualdez sa Sandiganbayan. Ang ginawang pagkumpara ay ang maayos na tindig ni FPRRD nang humarap sa ICC at ang naka-wheelchair na si Romualdez na via Zoom na humarap sa Sandiganbayan.


Dahil diyan ay may mga DDS na nag-post sa social media na matikas pa rin daw si FPRRD, at sa kabilang banda, inalaska naman nila si Romualdez na kesyo "mahinang nilalang" daw pala ito, boom!


XXX


MARCOLETA ‘ILALAGLAG’ NI BUSINESSMAN ARISTOTLE VIRAY? — Sa pagharap ni businessman Aristotle Viray sa bail hearing ng kanyang kasong plunder sa Sandiganbayan, kanyang sinabi na hindi siya kusang nagbigay ng pera, kundi hiningi raw ito sa kanya ni Sen. Rodante Marcoleta na noo'y nagbabalak kumandidato sa pagka-senador, at taliwas ito sa sinabi ng senador na kusang ibinigay ang pera bilang campaign funds.


Naku po, eh sa tema ng sinabing ito ni Viray ay tila ilalaglag na nito si Marcoleta para makalusot siya sa kaso, saklap!


XXX


DAGDAG-PASAHE, DAGDAG-DUSA SA MGA PASAHERO — Dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo, inatasan ng Department of Transportation (DOTr) ang Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na pag-aralan na ang gagawing dagdag-pasahe sa mga public transport.


Pambihira naman 'tong gobyernong 'to, imbes na gumawa ng paraan para mapababa ang presyo ng langis upang hindi na humirit ng dagdag-taas sa pasahe ang mga tsuper ng public transport, eh ang naisip na paraan ay bigyan ng dagdag-dusa ang mga pasahero sa dagdag-pasahe, buset!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page