top of page
Search
  • BULGAR

DAVID, UMAMING NAPILITAN LANG MAGPAPIKTYUR SA FAN, NAGSORI

ni Nitz Miralles @Bida | April 27, 2024




RADIO Frequency Ablation o RFA raw ang operasyon na gagawin kay David Licauco to treat his sleep apnea na matagal na niyang pinoproblema. 


Nag-Google kami para malaman kung ano ang RFA at nalamang maraming sakit ang napapagaling sa procedure na ito.


Sabi pa sa Google, non-surgical ang RFA, kaya hindi masyadong maaapektuhan ang schedule ni David. 


Kinakailangan na niyang magpaopera dahil naaapektuhan na ang trabaho at personal life niya.


Nakakatakot kaya na bigla na lang hihinto ang paghinga mo habang natutulog at dahil kulang sa tulog, minsan, nale-late siya sa kanyang mga appointment.


Sobrang hectic pa naman ang schedule ni David at hindi lang taping ng Pulang Araw ang nagpapa-busy sa kanya, pati ang TVC shoot ng sunud-sunod na endorsements, pag-aasikaso sa kanyang negosyo at promo.


Samantala, nag-react si David sa comment na napilitan lang siyang magpakuha ng litrato sa fans. Hindi man lang daw siya ngumiti. 



Sagot ni David, “May sakit ako niyan, beh, tapos 1 AM na 'yan, hehe, sorry po. Bawi ako next time, ha?”


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page