top of page
Search
  • BULGAR

David, pang-camera lang talaga… BARBIE, SURE NANG SI JAK ANG FOREVER NIYA

ni Nitz Miralles @Bida | May 20, 2024



Photo
Photo: Jak Roberto at Barbie Forteza

Walang makapag-bash kay Barbie Forteza sa post niya patungkol sa anniversary nila ni Jak Roberto dahil limited lang ang puwedeng makapag-comment sa comment box ng Instagram niya. Ginaya rin ni Jak si Barbie, kaya iwas-bashing sila.


Simple ang selebrasyon ng dalawa sa kanilang 7th anniversary, sa isang Japanese resto sila nag-date at makikita sa mesa na ramen, gyoza at tempura ang kinain nila.


Naiba ito sa steak na laging kinakain ng dalawa kapag may special at important date sa kanila at sa kanilang relasyon.


Sabi ni Barbie, “Happy 7th anniversary, Mahal! @jakroberto. I can’t believe it’s already been that long cause you still make me laugh the same way as when we went out on our first ramen date. You never fail to treat me the way you promised my family you would. Lastly, you love and care for my family more than you should. You have raised the bar, my love. I’m so grateful for you. Mahal na mahal kita.”


Sagot ni Jak, “Happy 7 years mahal ko! I love you so much,” na sinagot ni Barbie ng “@jakroberto kung may forever naman, ba’t ‘di natin subukan. #TeamAndoy.”


Nai-imagine namin ang mga comments na dapat hindi showy si Barbie sa relasyon nila ni Jak dahil malapit na ang airing ng Pulang Araw na sila ni David Licauco ang magkapareha. 


May movie rin sila, ang That Kind of Love, baka raw ma-turn-off ang mga fans nina Barbie at David na hindi suportahan ang projects nila.


Sus, hayaan nating i-celebrate nina Barbie at Jak ang anniversary nila, siguro naman, magse-celebrate rin sina David at girlfriend nito kapag sila naman ang nag-anniversary.


Love team sina Barbie at David, for reel ang relasyon nila, for real naman ang relasyon nina Barbie at Jak.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page