top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Dapat gawin kapag kulang ang natanggap na mana ng kinilalang anak sa pagka-binata

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 19, 2020
  • 2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | November 19, 2020



Dear Chief Acosta,


Ako ay anak sa pagkabinata ng aking yumaong ama at kinilala niya ako sa aking birth certificate. Nitong nakaraang taon, nalaman kong kulang sa aking dapat matanggap na pamana ang ibinigay sa akin ng kanyang asawa sapagkat hindi nila ako tanggap. Malaking halaga ng pera ang kakulangan at nais ko sanang makuha ang nararapat sa akin. Ano ang maaari kong gawin? – Dorinda


Dear Dorinda,


Para sa inyong kaalaman, nakasaad sa Article 904 ng Civil Code of the Philippines na hindi maaaring alisan ng legitime o mana ng testator ang kanyang compulsory heir o tagapagmana maliban na lamang sa mga sitwasyong pinapayagan ng batas. Nakasaad sa nasabing probisyon:


Article 904. The testator cannot deprive his compulsory heirs of their legitime, except in cases expressly specified by law. 
Neither can he impose upon the same any burden, encumbrance, condition, or substitution of any kind whatsoever.”

Kaugnay nito, nakasaad naman sa Article 908 ng nasabing batas ang basehan upang malaman ang halaga ng legitime. Ayon sa nasabing artikulo:


Article 908. To determine the legitime, the value of the property left at the death of the testator shall be considered, deducting all debts and charges, which shall not include those imposed in the will. 
To the net value of the hereditary estate, shall be added the value of all donations by the testator that are subject to collation, at the time he made them.”

Kung mayroon kakulangan sa inyong natanggap na mana mula sa inyong ama, base sa kalkulasyon ng kanyang mga ari-arian alinsunod sa nabanggit na artikulo, nakasaad sa Article 906 ng Civil Code of the Philippines, na kayo bilang compulsory heir na napagkaitan ng inyong nararapat na legitime o mana, ay maaaring mag-demand na ang kabuuan ay maibigay sa inyo.


Article 906. Any compulsory heir to whom the testator has left by any title less than the legitime belonging to him may demand that the same be fully satisfied.”

Gayundin, kung ang kakulangan naman ng mana ay bunga ng mga disposisyon sa huling habilin, kayo ay maaaring magsampa ng petisyon sa korte upang ito ay maiayos o maitama:


“Article 907. Testamentary dispositions that impair or diminish the legitime of the compulsory heirs shall be reduced on petition of the same, insofar as they may be inofficious or excessive.”

Samakatwid, ang kakulangan sa pamana ng inyong ama sa inyo ay maaari ninyong hingin o i-demand mula sa kaniyang mga ari-arian o maaari ninyong ipatama o ipaayos sa korte sa pamamagitan ng isang petisyon ukol dito.


Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalam sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay na liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page