top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

DANIEL, TINAWAG NA CHEATER, PHOTO BINABOY PA NG MGA GALIT NA FANS NI KATHRYN

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 16, 2023
1 min read

ni Nitz Miralles @Bida | December 16, 2023



Deleted na nga sa Instagram ni Daniel Padilla ang breakup statement na ipinost niya at ang naiwan na lang ay “ikaw at ako.” 

 

Naiwan din ang photo nila ni Kathryn Bernardo at ang solo photo ni Kathryn na may hawak na aso.

 

Samantala, parang wala naman kaming narinig na nag-boo kay Daniel nang tanggapin ang kanyang Fabulous Award sa Asia Artist Award. Ang narinig namin ay ang mga sigaw na “cheater,” na for sure, narinig din ni Daniel. O, baka hindi lang namin narinig, pero ang sabi, may mga nag-boo kay Daniel.

 

Ang iba naman, hindi sa pambu-boo inihayag ang galit kay Daniel, kundi sa pagba-vandalize sa photo niya na naka-display yata sa Freedom Wall na nakalagay sa Philippine Arena.

 

Ilan sa mga nakasulat ay “Dapat kasi nag-propose ka,” “Kathryn deserves better,” “Tagal ng 11 years, huy,” “KathNiel forever,” “Nesheyo Na Eng Lehet” at iba pa. 


Dinumihan talaga ang photo ni Daniel.

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page