DANIEL, TAMEME SA PANLOLOKO KAY KATHRYN, ANDREA DUROG DIN
ni Beth Gelena @Bulgary | December 9, 2023

Despite sa mga intrigang sinasalo lahat ni Andrea Brillantes hinggil sa pagdamay ng kanyang pangalan sa breakup nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ay patuloy siyang nagpupursigeng magtrabaho lalo na at medyo naapektuhan na raw ang kanyang negosyo.
Nai-stress man sa lahat ng nangyayari ay never pa ring nagsasalita ang young actress.
Tikom pa rin ang kanyang bibig kahit alam niyang hinuhusgahan na siya ng mga kapwa niya artista sa nangyaring hiwalayan ng KathNiel.
Komento nga ng mga netizens… "Madaming dahilan kaya no comment sa issue si accla.
Puwedeng totoo at mahirapan siyang mag-deny. Puwedeng ine-enjoy pa niya ‘yung free publicity kahit na bad publicity. Puwedeng may niluluto ang ABS-CBN na bagong love team. Sila ni Kuya Deejay niya. Hahaha! Pero yurak na yurak na ang pagkatao ni Andrea dito. IDK kung makaka-bounce back pa ba siya. This issue could either make her a star or break her career na kung tutuusin ay hindi pa naman ganu’n kalalim ang ugat unlike Kathryn Bernardo."
"Kung hindi talaga totoo, it’s very easy to say “IT’S NOT TRUE” just like what the other girl Gillian did kaya tumigil na ‘yung issue sa pagdamay sa kanya. But what is intriguing is that bakit hirap na hirap mag-deny both si Andrea at si Daniel about the issue linking them together?
Mukhang silence means YES!"
"Kahit naman ano’ng gawin o sabihin niya, may masasabi at masasabi ang mga tao, better to keep mum na lang."
"Bakit parang feeling ko, ang management ang nagbabawal sa kanya?”
"DP needs to act as what all gentlemen do on this type of issue. He should own his mistake, admit or deny third party cause of breakup. Then clear the names of the ladies that are dragged in this drama.”
Hmmm… Nababasa kaya ni Daniel ang mga komentong ito ng mga netizens?





Comments