DANIEL, PROUD NA TODO-BUYANGYANG NA SI KATHRYN
ni Nitz Miralles @Bida | November 12, 2023

Ini-repost ni Daniel Padilla sa kanyang IG Stories ang photoshoot ni Kathryn Bernardo for Preview kung saan makikitang sobrang hot at sexy ng aktres.
Ikinatuwa ito ng KathNiel fans dahil napabulaanan daw ang tsika na break na ang dalawa.
Walang ibang comment si Daniel at naglagay lang ng cat sticker at may nag-message pa nga sa kanya.
May nag-comment ng “Ganda ng girlfriend mo!” na sinagot ni Daniel ng “I know.”
Sapat na ang sagot ni Daniel para matuwa ang KathNiel fans.





Comments