DANIEL, NA-BOO NANG TUMANGGAP NG AWARD, NAGMAMADALING UMALIS
ni Beth Gelena @Bulgary | December 17, 2023

Viral ang kuhang video ni Daniel Padilla na tila nagmamadaling umalis ng stage matapos ang maikling pasasalamat nang tanggapin ang award sa Asian Artist Awards night.
Pagkatapos tanggapin ang trophy ay agad na lumapit si DJ sa mic at nagbigay ng short speech at saka pinasalamatan ang mga fans.
Waring narinig ni Daniel ang pambu-boo sa kanya ng ilang fans kaya nagmamadali itong umalis.
Dahil sa breakup nila ni Kathryn, negang-nega ang tingin ng marami kay Daniel at malaking epekto talaga ito sa career ng aktor.





Comments