Dagdag-presyo sa LPG
- BULGAR

- 2 hours ago
- 1 min read
ni Gina Pleñago @News | February 2, 2026

Photo: File
Nagpatupad ng P1.50 dagdag-presyo sa kada kilo ng liquefied petroleum gas (LPG) ang Petron simula alas-12:01 ng hatinggabi kahapon.
Ang pagbabago ay sumasalamin umano sa presyo ng LPG sa international market para sa Pebrero.
Samantala, ang Solane naman ay may P1.55 dagdag-presyo, simula alas-6 ng umaga.
Ayon sa kumpanya, ang hakbang ay nakaayon umano sa adjustment ng international LPG contract price para sa buwan ng Pebrero.
Nangangahulugan ito ng karagdagang humigit-kumulang P16.50 hanggang P17 sa isang 11-kilogram cylinder, na karaniwang ginagamit sa tahanan.
Ang pagtaas ng presyo ay kasunod ng serye ng buwanang LPG adjustments na nakadepende sa galaw ng global market.








Comments