Illegal recruitment, buking... Mga Pinoy, isinasabak sa giyera ng Russia at Ukraine

by BRT @News | October 22, 2026

Photo: Ukraine military - File / Pres. Zelenskyy FB
Iniimbestigahan ng Department of Migrant Workers (DMW) ang ilegal na pangangalap ng mga Pilipino sa Russia sa gitna ng nagpapatuloy na digmaan nito laban sa Ukraine.
Ayon kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac, nakikipagtulungan ang ahensya sa Department of Foreign Affairs (DFA), Department of National Defense (DND), at iba pang awtoridad upang masugpo ang ilegal na recruitment.
Kasunod ito ng mga ulat na isang Pilipino umano ang nasawi habang nakikipaglaban para sa puwersa ng Russia laban sa Ukraine.





Comments