- BULGAR
- Oct 1, 2023
ni BRT @News | October 1, 2023

Asahan ang malakihang taas-presyo sa liquefied petroleum gas (LPG) ngayong unang araw ng Oktubre.
Halos P4 ang dagdag sa presyo ng kada kilo ng LPG ng Petron.
Nangangahulugan ito ng mahigit P40 ang dagdag sa kada 11-kilogram na tangke ng LPG.
Samantala, P2 naman ang dagdag sa Auto LPG.
"These reflect the international contract price of LPG for the month of October,” ayon sa Petron.





