Castro kay Bato: Sumuko ka na para wala nang dugong dadanak

ni Mylene Alfonso @News | October 22, 2026

Photo: Atty. Claire Castro at Sen. Ronald Bato Dela Rosa - PCO - FB
Hinikayat ng Malacañang si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na sumuko na upang maiwasan ang posibleng pagdanak ng dugo kasunod ng babala ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na maaaring mauwi sa madugong komprontasyon ang pag-aresto sa senador.
“Sumuko ka na kasi para wala nang dugong dadanak,” pahayag ni Palace Press Office Undersecretary Claire Castro sa Palace briefing.
Nagbabala rin si Castro sa mga umano’y kumukupkop kay Dela Rosa, na nananatiling nagtatago, at hinimok ang mga ito na huwag maging kasangkapan sa pagtakas ng mga taong dapat managot sa batas.
Ayon kay Castro, kung totoong nagtatago si Dela Rosa sa Mindanao sa ilalim ng proteksiyon ng isang makapangyarihang armadong grupo, maaari siyang ituring na banta sa pambansang seguridad.





Comments