top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Bawal gamiting ebidensiya ang pag-alok ng tulong ng responsable sa aksidente

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 4, 2021
2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | November 4, 2021



Dear Chief Acosta,


Nabangga ng pribadong sasakyan ang aking anak at agad naman namin itong nai-report. Kailangan ng anak kong magpa-ospital at dahil pandemya ngayon ay mas malaki ang gastos. Tinawagan kami ng may-ari ng sasakyan at sinabing sila na ang magbabayad sa pagpapa-ospital at pagpapagamot ng aking anak. Maaari ko bang gamiting ebidensiya ang kanilang offer upang sabihing sila ay guilty at mapanagot ko pa sila ng higit sa Hukuman? –Pancho


Dear Pancho,


Nakasaaad sa Section 27, Rule 130 ng ating Rules of Court ang sumusunod:


“Section 27. Offer of compromise not admissible. — xxx xxx

In criminal cases, except those involving quasi-offenses (criminal negligence) or those allowed by law to be compromised, an offer of compromised by the accused may be received in evidence as an implied admission of guilt. xxx xxx xxx


An offer to pay or the payment of medical, hospital or other expenses occasioned by an injury is not admissible in evidence as proof of civil or criminal liability for the injury.”


(Binigyang diin)


Kilala ang panuntunang ito bilang “Good Samaritan Rule”, kung saan ipinababatid ng ating batas na ang pag-aalok ng pagbabayad sa pagpapa-ospital o anumang kaugnay na gastusin ay hindi maituturing ng pag-ako ng anumang kasalanan sa parte ng nag-alok.


Base sa inyong kuwento, masasabi nating ang inyong anak ay biktima ng reckless imprudence resulting to physical injuries o criminal negligence, kung saan naangkop ang nasabing probisyon at panuntunan.


Samakatwid, hindi ninyo magagamit bilang patunay sa Hukuman ang pag-alok na ginawa sa inyo sapagkat itinuturing lamang ito bilang gawaing pagmamagandang-loob.


Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page