top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Labag sa batas ng Diyos at tao ang pananakit sa kababaihan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 21, 2021
  • 3 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | November 21, 2021



Dahil sa kahalagahan ng gampanin ng babae sa lipunang ating ginagalawan at sa mga naging masasamang karanasan ng mga ito mula mismo sa mga taong kanilang minamahal ay ipinasa ang Republic Act (R.A.) No. 9262, o ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 na ang layunin ay bigyang-solusyon ang diskriminasyong nararanasan ng kababaihan.


Isinasaad sa Section 2 ng R.A. 9262 ang mga sumusunod:


“Sec. 2. Declaration of Policy. - It is hereby declared that the state values the dignity of women and children and guarantees full respect for human rights. The State also recognizes the need to protect the family and its members particularly women and children, from violence and threats to their personal safety and security.


Towards this end, the State shall exert every efforts to address violence committed against women and children in keeping with the fundamental freedoms guaranteed under the Constitution and the Provisions of the Universal Declaration of Human Rights, the convention on the Elimination of all forms of discrimination Against Women.


x x x”


Sa desisyon ng Korte Suprema sa kasong pinamagatang Garcia versus Drilon (G.R. No. 179267, June 25, 2013) na isinulat ni Honorable Associate Justice Estela M. Perlas-Bernabe, sinabi ng Korte Suprema na ang batas na ito ay hindi “anti-male” o kontra sa kalalakihan. Ito ay isinagawa para itama ang diskriminasyon at hindi para bigyan ng kiling ang kababaihan laban sa kalalakihan. Sa pagtalakay ng hukuman sa pakay ng batas, sinabi ng huli na:


“The enactment of R.A. 9262 aims to address the discrimination brought about by biases and prejudices against women. As emphasized by the CEDAW Committee on the Elimination of Discrimination against Women, addressing or correcting discrimination through specific measures focused on women does not discriminate against men..


Petitioner’s contention, therefore, that R.A. 9262 is discriminatory and that it is an “anti-male,” “husband-bashing,” and “hate-men” law deserves scant consideration.


As a State Party to the CEDAW, the Philippines bound itself to take all appropriate measures “to modify the social and cultural patterns of conduct of men and women, with a view to achieving the elimination of prejudices and customary and all other practices which are based on the idea of the inferiority or the superiority of either of the sexes or on stereotyped roles for men and women.” Justice Puno correctly pointed out that “(t)he paradigm shift changing the character of domestic violence from a private affair to a public offense will require the development of a distinct mindset on the part of the police, the prosecution and the judges.”


Labag sa batas ng Diyos at tao ang pananakit sa kababaihan sapagkat ang mga babae ay minamahal, inaalagaan at pinagpipitaganan dahil simbolo at ilaw sila ng ating tahanan. Hindi sila dapat sinasaktan at inaabuso kundi minamahal at pinahahalagahan.


Bagama’t noong unang panahon ang mga babae ay nasa tahanan lamang na nag-aaruga at nag-aalaga sa kanilang mga anak, sa ngayon na panahon ng krisis, ang kababaihan ay nagtatrabaho na rin upang makatulong sa kani-kanilang asawa o kinakasama para maitaguyod ang kanilang pamilya.


Ang halaga ng kababaihan sa tahanan ay binibigyang-importansiya ng Estado sapagkat sila ay tinataguriang ilaw ng tahanan at nagsisilbing tanglaw sa kanilang anak nang sa gayun ay mahubog ang mga ito na maging mabubuting mamamayan at kapaki-pakinabang na miyembro ng lipunan.


Sa kalalakihang nanakit ng kanilang asawa, o kinakasama, sila ay maaaring maparusahan ayon sa probisyon ng R.A. 9262. Pinaparusahan ng batas ang pang-aabuso sa babae maging ito man ay pisikal, seksuwal, ekonomikal o sikolohikal.


Maaaring makulong ang lalaki na mananakit at mang-aabuso ng kanyang asawa o kinakasama. Ang pagtanggi ng lalaki na bigyang-suporta ang kanyang asawa ay krimen at maaaring makulong ang lalaki kapag napatunayang walang dahilan para ipagkait niya ang kanyang suportang pinansiyal sa kanyang asawa.


Tunay na ang kahulugan ng pagsasama sa hirap at ginhawa ng mag-asawa ay napakalawak kung ating susuriin. Marami sa kababaihan ang nagtatrabaho, katulong ng kanilang asawa. Sa hirap ng buhay sa ating kasalukuyang panahon ang kababaihan ay sadyang napipilitang magtrabaho sa labas ng tahanan at sana ay hindi ito maging ugat ng lalong pang-aabuso sa kanila.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page