Apela sa hatol na nagpapawalang-sala ng akusado
- BULGAR

- 1 hour ago
- 3 min read
ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | December 20, 2025

Dear Chief Acosta,
Na-acquit ng korte ang tatay ko sa kasong kriminal na isinampa laban sa kanya. Hindi na ba maaaring iapela ang ganitong sitwasyon? – Logan
Dear Logan,
Una sa lahat, ginagarantiyahan ng ating Saligang Batas ang karapatan ng isang akusado laban sa double jeopardy. Ibig sabihin nito, hindi maaaring litisin o parusahan ng dalawang beses ang isang tao para sa parehong pagkakasala. Kaya, patuloy na kinikilala ng ating korte ang finality-of-acquittal rule, na nag-uutos na ang hatol ng pagpapawalang-sala ay agad na pinal, at nagdedeklara na ang pagsusuri sa mga merito ng pagpapawalang-sala ay naglalagay sa akusado sa double jeopardy.
Pinipigilan ng panuntunang ito ang Estado, sa pamamagitan ng prosekusyon, mula sa pag-apela ng mga pagpapawalang-sala o paghingi ng mas matinding parusa sa apela. Nakasaad sa ating Saligang Batas:
“No person shall be twice put in jeopardy of punishment for the same offense. If an act is punished by a law and an ordinance, conviction or acquittal under either shall constitute a bar to another prosecution for the same act.” (Artikulo III, Seksyon 21)
Kaugnay nito, tinalakay ng ating Korte Suprema na ang pangunahing pilosopiya sa likod ng prohibisyon laban sa double jeopardy ay upang pangalagaan ang nasasakdal – na una nang napawalang-sala – mula sa pang-aapi ng pamahalaan sa pamamagitan ng pang-aabuso sa mga prosesong kriminal. Ang Estado ay hindi pinahihintulutan na gumawa ng paulit-ulit na pagtatangka na hatulan siya sapagkat ito ay muling magdudulot sa kanya ng kahihiyan, gastos, at pagsubok, at maglalagay sa kanya sa patuloy na katayuan ng pagkabalisa at kawalan ng kapanatagan, kabilang na ang pagpapalaki ng posibilidad na siya ay kalaunang mahatulang maysala kahit na siya ay inosente. (Marwin B. Raya and Shiela C. Borromeo vs. People of the Philippines, G.R. No. 237798, 05 Mayo 2021, Kgg. na Kasamang Mahistrado Alfredo Benjamin S. Caguioa)Pinagtibay ng ating Korte Suprema sa People of the Philippines vs. Lino Alejandro y Pimentel (G.R. No. 223099, 11 Enero 2018), ang pagpapawalang-sala sa akusado, sang-ayon sa nasabing doktrina
“In our jurisdiction, We adhere to the finality-of-acquittal doctrine, that is, a judgment of acquittal is final and unappealable.
The 1987 Constitution guarantees the right of the accused against double jeopardy, thus:
Section 7, Rule 117 of the 1985 and 2000 Rules on Criminal Procedure strictly adhere to the constitutional proscription against double jeopardy and provide for the requisites in order for double jeopardy to attach. For double jeopardy to attach, the following elements must concur: (1) a valid information sufficient in form and substance to sustain a conviction of the crime charged; (2) a court of competent jurisdiction; (3) the accused has been arraigned and had pleaded; and (4) the accused was convicted or acquitted or the case was dismissed without his express consent. x x x
The rule on double jeopardy, however, is not without exceptions, which are: (1) Where there has been deprivation of due process and where there is a finding of a mistrial, or (2) Where there has been a grave abuse of discretion under exceptional circumstances. We find that these exceptions do not exist in this case. Here, there was no deprivation of due process or mistrial because the records show that the prosecution was actually able to present their case and their witnesses.”
Sa ilalim ng batas ng Pilipinas, bilang pangkalahatang tuntunin, ang pagpapawalang-sala pagkatapos ng isang ganap na paglilitis ay sagrado, at protektado ng konstitusyon laban sa double jeopardy. Samakatuwid, ang hatol ng pagpapawalang-sala ay pinal at hindi maaaring iapela, maliban kung mayroong mga pambihirang pangyayari o exceptional circumstances, tulad ng napagkaitanan ng nararapat na proseso (due process) at may paglabag sa batas sa paglilitis nito, o nagkaroon ng matinding pang-aabuso sa pagpapasya (grave abuse of discretion).
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.
Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.








Comments