Congw., pinatatakbong pangulo o VP sa 2022... HIRIT NI ARNELL: ATE VI, MASISIRA KA LANG!
- BULGAR
- Jun 13, 2021
- 1 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | June 13, 2021

And speaking of politics, kahapon ay napasama ang pangalan ni Star for All Seasons at Lipa 6th District Congresswoman Vilma Santos-Recto sa mga nominado ng 1Sambayan party para tumakbong pangulo o bise-presidente sa 2022 elections.
Ang iba pang pinagpipilian ng partido ay sina VP Leni Robredo, Sen. Grace Poe, Sen. Antonio Trillanes IV, Chel Diokno at Bro. Eddie Villanueva.
May mga netizens na natuwa nang marinig na kasama si Ate Vi sa mga kinokonsiderang maging kandidato sa mataas na posisyon lalo't nakilala naman ang mommy ni Luis Manzano sa pagiging mahusay na public servant.
Pero kung may mga pabor, meron ding ilan na nagsasabing 'wag nang tumakbo si Ate Vi sa pagka-pangulo o VP dahil masisira lang ang magandang pangalang iningatan niya nang ilang taon bilang pulitiko.
Kabilang na nga rito ang komedyante-TV host at kilalang Duterte supporter na si Arnell Ignacio.
Sa kanyang FB Live kahapon, diretsahang sinabi ni Arnelli na, "Buti na lang, Ate Vi, 'wag ka nang sumali d'yan, masisira lang ang career mo d'yan.
"Ate Vi, 'wag ka nang sasama d'yan. 'Yung pangalan mo, ibinuild-up mo nang ilang taon, 'wag na 'wag mong sisirain d'yan. As you are, matibay ka. 'Yung reputasyon mo na lang ay 'yung dignidad. Sumpa 'yan, sumpa 'yan (pagsama sa 1Sambayan)," dagdag pa ni Arnelli.
Well, noon pa naman, paulit-ulit nang sinasabi ni Ate Vi na hindi niya pinaplano ang pagtakbo sa mas mataas pang posisyon dahil naniniwala siyang kapag du'n siya itinadhana, hindi 'yun kailangang planuhin at mangyayari na lang bigla.
So, let's see. Marami pang puwedeng mangyari bago mag-2022 national elections.





Comments