CLAUDINE, NASUKA SA PAG-IISIP NA BALIK-TV NA
ni Nitz Miralles @Bida | November 7, 2023

Mabilis ang sagot ni Claudine Barretto ng “NO PO!!!” sa tanong ng isa niyang follower sa Instagram kung si Raymart Santiago ba ang pinatungkulan niya sa post niyang quotation na: “People will notice the change in your attitude towards them, but won’t notice their behavior that made you change.”
Nag-agree kasi si Claudine sa quotation, kaya may nag-akalang si Raymart ang kanyang pinatungkulan na mabilis nitong itinanggi.
Marami rin ang nag-agree sa quotation at marami ang naka-relate. Ang payo nila kay Claudine, maging strong at mag-focus sa kanyang TV comeback via Lovers/Liars.
Collab ng GMA at Regal ang Lovers/Liars at mas excited pa yata kay Claudine ang kanyang mga fans na muli siyang mapanood sa telebisyon.
Pero si Claudine, hindi lang excitement ang naramdaman sa pagbabalik niyang ito, nasuka pa raw siya sa nerbiyos at kaba sa pag-iisip na finally, balik na uli siya sa TV at muling gumagawa ng series. Wish ng kanyang mga fans na pelikula na ang susunod niyang gagawin.





Comments