Cindy, tinawag na p*kpok, kabit at bobo
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | July 30, 2021

Sa solo virtual mediacon ni Cindy Miranda para sa pelikula niyang Nerisa nitong Miyerkules ay inamin niyang sobra siyang nasaktan sa mga masasakit na salitang natanggap niya sa social media dahil sa hiwalayang Aljur Abrenica at Kylie Padilla.
Ang leading lady ni Aljur ang itinurong 3rd party kaya nag-alsa-balutan si Kylie sa bahay nila kasama ang dalawa nilang anak na sina Alas Joaquin at Axl Romeo.
Nasabihan ng p*kpok, kabit, boba, malandi at kung anu-ano pa si Cindy dahil dito.
“Parang lahat ng masama, naibigay sa akin, p*kpok, kabit, bobo. Pati nga po bobo, hindi ko po naintindihan (paano nila nasabing bobo ako).
“Alam mo 'yung masyadong sinukat ‘yung pagkatao mo na hindi ka nila kinilala? Masakit lang kahit ayaw mong maapektuhan. Sa sobrang dami po talaga, may time na talagang nakatutok ako sa Instagram ko because I delete the comments,” kuwento ni Cindy sa mediacon.
Si Cindy ay nanalong Binibining Pilipinas Tourism noong 2013 at ito rin ang dahilan kung bakit siya nadiskubre sa showbiz.
Sabi pa ng dalaga ay labis siyang nasasaktan sa mga nababasa niya, pero minabuti niyang hindi sila sagutin.
“Ayoko talaga. Hindi sila dapat welcome. Hindi po ako ma-social media na tao. I don’t really post that much.
“Pangit naman na makita ng ibang tao na ‘Oh, my God, ano ba itong mga naka-comment dito?’ I just delete. Ayoko siyang patulan kasi sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung ano ba 'yung nasa isip nila.”
“Gusto ko lang po i-delete para hindi ko na uli mabasa kasi ang pangit na nasa page ko ‘yan, 'di ba? Ayoko namang i-force sila na maniwala sa akin, pero lalabas din naman po 'yung totoo,” katwiran ng dalaga.
Wala nga raw alam si Cindy na naghiwalay sina Aljur at Kylie dahil kapag nasa set naman ang aktor ay walang bakas na may pinagdaraanan siya.
“Masayahin po, eh, palabiro, madaldal kaya hindi namin alam na hiwalay na sila,” kuwento ng aktres.
Dagdag pa niya, “Nagulat ho ako kasi narinig ko na 'yang isyu na 'yan before pa po mag-start 'yung Nerisa. I think, nataymingan lang po ‘yung interbyu ni Sir Robin Padilla, so they thought na ako 'yung naging dahilan.
“But then, kung malalaman po nila 'yung timeline, it was really before Nerisa pa nangyari ‘yan. Naikuwento naman po ‘yan sa akin ni Aljur, pero hindi ko po talaga alam 'yung detalye.
“I think Aljur answered na po 'yung mga ganyang question sa ibang interviews. Hindi po talaga totoo 'yung naging isyu na ‘yun.
“We’re friends. Very professional po 'yung naging trabaho namin ni Aljur. Sana, suportahan na lang 'yung film, lalo na 'yung fans ni Aljur.
“Ang tagal din po na hindi nagkaroon ng movie si Aljur. Sana, suportahan po nila si Aljur.”
Anyway, kasama rin sa Nerisa sina Elizabeth Oropesa, Sheree Bautista, AJ Raval, Sean de Guzman, at Bembol Roco na idinirehe ni Lawrence Fajardo produced ng Viva Films.
Alamin ang katotohanan sa likod ng misteryong nababalot sa pagkatao ni Nerisa ngayong July 30 sa global premiere nito sa ktx.ph, iWantTFC, at TFC IPTV.





Comments