top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

CHERRY PIE, TIKOM ANG BIBIG SA DAHILAN NG BREAKUP NILA NI EDU

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 21, 2023
1 min read

ni Nitz Miralles @Bida | December 21, 2023



Ang ganda ng script ang isa sa mga inirason ng cast ng Firefly kung bakit nila tinanggap ang pelikula na collab ng GMA Pictures at GMA Public Affairs na entry sa 2023 MMFF. 

 

Ang maganda ring script ni Angeli Atienza na siya ring sumulat ng story ang sinabing dahilan ni Cherry Pie Picache.

 

“My role is not a big role, sobrang na-in love ako sa script kaya kasama ako sa cast,” ani Cherry Pie.

 

Ginagampanan ni Cherry Pie ang role ng tita ni Tonton (Euwenn Mikaell) na nag-alaga sa kanya at nakasama sa paghahanap sa isla ng mga alitaptap. 

 

Ang ganda rin ng eksena ng aktres at ni Euwenn, heartwarming, kasing-heartwarming ng pelikula na gugustuhin mong mapanood.

 

Bukod kasi sa ganda ng script, magandang cinematography, mahusay na direction ni Zig Dulay at magagaling na cast, maganda ang mensahe ng Firefly na ikinuwento sa point of view ng isang bata. 

 

Ang solid ng storytelling ng pelikula na kahit bata, hindi malilito at masusundan ang takbo ng istorya.

 

Pero ayon kay Direk Zig, “Hindi lang pambata o pang-matanda ang Firefly, para sa ating lahat ito. Ginawa namin ito para sa inyo, kaya sana, suportahan ninyo at unahin ninyo kaming panoorin sa December 25."

 

Speaking of Cherry Pie, kinumpirma nito ang breakup nila ni Edu Manzano sa pahayag na “I am single this Christmas.” 

 

Hindi na nag-elaborate pa si Cherry Pie, kaya hindi nalaman ang cause ng breakup nila ni Edu. Inirespeto ‘yun ng press at hindi na siya inurirat pa.

 

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page