Cebu, hinahabol pa ang P19.28-B recovery sa lindol

by BRO @News | October 1, 2026

Photo: Courtesy Archdiocesan Shrine of Sta. Rosa de Lima
Isang taon matapos ang magnitude 6.9 na lindol sa hilagang Cebu, nagpapatuloy pa rin ang pagbangon ng mga apektadong lugar.
Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, may P19.28 bilyong pangangailangan para sa recovery ng 10 bayan at isang lungsod na tinamaan ng lindol noong Setyembre 30, 2025.
Nakapaglaan na ang Provincial Government ng P750 milyon bilang bahagi nito sa recovery program, habang inaasahang tutulong ang mga ahensiya ng national government sa kanilang mga proyekto.
Kabilang sa pinakamalaking pangangailangan ang P10.13 bilyon para sa social services, P2.83 bilyon para sa imprastraktura at P1.98 bilyon para sa mga sektor tulad ng turismo at negosyo.
Ayon sa provincial officials, halos 20% pa lamang ng pondo mula sa national government ang naibibigay.





Comments