Cancer-free na sa thyroid problem pero… MILES, HABAMBUHAY NA ANG GAMUTAN
- BULGAR
- Jan 14, 2024
- 2 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | January 14, 2024

Masayang ibinalita ni Miles Ocampo na cancer-free na siya after ng thyroid scare last year kung saan sumailalim siya sa surgery at radiation to combat thyroid cancer.
Sa interview ni Karen Davila sa MMFF 2023 Best Supporting Actress kamakailan, ibinahagi ni Miles ang senyales at symptoms nang madiskubre niyang may cancerous thyroid problem siya.
"Nu'ng time na 'yun, parang una sa lahat, 'yung weight ko, hindi naman ako sobrang kumakain, nagpa-Pilates naman ako, bakit ganito, bakit hindi ako pumapayat talaga?
Tapos, ang bilis kong mapagod, after work uuwi na ako talaga, matutulog ako. Tapos, magigising ako nang madaling-araw kasi parang hindi ako makahinga," pagbabalik-tanaw niya.
"Eh, takot ako sa needles, takot ako sa ospital, takot ako sa ganyan, so nu'ng naramdaman ko 'yun, parang may hindi na tama. Visible kasi siya that time, merong bukol na visible," sambit niya.
Kaya na-surgery daw siya para alisin ang thyroid glands.
Kuwento pa ng actress-TV host, "It was malignant and ang laki na niya. Kung hindi ko siya naagapan, posible talagang kumalat."
Last April, 2023 inamin ni Miles na may Papillary Thyroid Carcinoma siya.
Ayon sa emedicine.medscape.com, "Papillary thyroid carcinoma (PTC) is the most common form of well-differentiated thyroid cancer, and the most common form of thyroid cancer to result from exposure to radiation. Papillary carcinoma appears as an irregular solid or cystic mass or nodule in a normal thyroid parenchyma."
"After my operation, may mga naiwan pang cancer cells, medyo kumalat so nag-radiation pa ako pero oral lang that time," pagbabahagi pa niya.
Ngayon ay masayang ibinalita ng aktres na cancer-free na siya.
"I am cancer-free but 'yun na nga, maintenance for life, meds ko habang buhay na siya and du'n na ako naka-base. Kumbaga 'yung weight ko rin, du'n na siya magbe-base kung tataba o papayat kasi every two months, kailangan kong magpa-blood test para i-check kung ia-adjust 'yung dosage."
Ang greatest weapon ni Miles nu'ng time na 'yun, "Nu'ng mga time na 'yun na it was so uncertain, hindi mo alam kung ano'ng mangyayari, just trust Him. Kapit ka lang sa Kanya, talk to Him."




Comments