Bumati rin sa birthday ni Mega… BF NI KC, TITA ANG TAWAG KAY SHARON
- BULGAR
- Jan 11, 2024
- 1 min read
ni Nitz Miralles @Bida | January 9, 2024

“Tita” ang tawag ng boyfriend ni KC Concepcion na si Mike Wuethrich kay Sharon Cuneta at mababasa ang birthday greetings niyang "Happy birthday, Tita” sa birthday greetings ni KC sa kanyang mom.
Ikinatuwa ng mga fans nina KC at Sharon ang birthday greetings ng una sa mom niya at request nila, sana ay mag-bonding naman silang mag-ina. Sana raw, ‘wag puro si Gabby Concepcion ang nakaka-bonding ni KC dahil tiyak na nami-miss siya ni Sharon.
Sa Dear Heart concert pa yata nina Sharon at Gabby nagkita ang mag-ina.
Actually, may pumuna na nga kay KC, mas malapit daw siya sa ama kesa sa ina.
Inakusahan pang pa-cute si KC kapag kasama ang ama at mga kapatid kay Gabby.
Ipinagtanggol naman siya ng kanyang mga fans, malambing lang daw si KC at ganu'n din naman ito kay Sharon.
May mga pagkukumpara ang fans sa relasyon ni KC with her parents, kaya may nakiusap na ‘wag magsimula ng intriga ang ibang fans para walang isyu.
Anyway, parehong tahimik sa social media sina Sharon at Gabby, wala silang bagong post at ine-enjoy sigurado ni Mega ang time niya with her family, kaya ibigay na natin sa kanila ‘yun.





Comments