top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Bukod sa tumatanda na… ANGEL, HIRAP MAGBUNTIS DAHIL SA KATABAAN

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 11, 2021
1 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | November 11, 2021





Nakita namin ang teaser ng interview ng mag-asawang Angel Locsin at Neil Arce sa engaged couple na sina Hidilyn Diaz at Julius Naranjo sa Instagram post ng aktres four days ago.


Medyo nagulat lang kami dahil ang buong akala namin, on the road to getting fit na talaga ang dating Darna dahil mukhang pumayat na siya sa mga previous post niya.


Pero 'yung nakita naming Angel na naka-khaki shirt at nag-iinterbyu kay Hidilyn ay may kalakihan pa rin pala.


In fairness, nakaupo na siya nang lagay na 'yun at medyo tago na ang kabuuan ng kanyang katawan pero halata pa rin ang pagiging heavy ngayon ni Angel.


We're just wondering tuloy kung bakit hindi yata nababawasan man lang ang kanyang timbang kung desidido naman na pala siyang magpapayat?


Bakit naman si Megastar Sharon Cuneta, mas malaki pa nga kay Angel noon, pero look at her now, medium na lang daw ang size mula sa dating XXL, ha?!


Well, medyo worried lang kami for Angel na kung matatagalan pa ang kanyang pagpapapayat, baka mahirapan na silang makabuo ng baby ni Neil, lalo na't 36 years old na ngayon ang aktres.


Gustung-gusto pa naman ng daddy ni Angel na magkaapo na sa kanila ni Neil, kaya dapat talagang karirin na ito ng aktres.


Sabi nga, kung nagawa ni Megastar, si Darna pa ba ang 'di kakayanin 'yan?!


Eh, Ding, nasa'n na kasi ang bato?


Naku, nasa mga adik pa po! Chaaaar!!!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page