Bukod sa nambu-bully daw ng co-host… MGA DANCERS NG SHOW, NAIIYAK NA LANG SA GINAGAWA SA KANILA NI
- BULGAR
- Jun 29, 2021
- 3 min read
ANJO
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | June 29, 2021

Hot topic ngayon si Anjo Yllana dahil pagkatapos niyang matanggal sa programang Happy Time ng NET 25 na produced ng Eagle Broadcasting Company (EBC) dahil sa pambu-bully, heto’t nag-post naman nang sunud-sunod ang asawang si Jacqui Manzano.
Sa pagkakaalam namin ay matagal nang hiwalay sina Anjo at Jacqui at nasa poder ng ina ang apat nilang anak na dalawang babae at dalawang lalaki na mga binata’t dalaga na.
Hindi binanggit ni Jacqui ang pangalan ni Anjo pero kung pagbabasehan ang mga posts niya ay ang aktor ang tinutukoy.
Mula sa IG post na j.manzano17, “Being irresponsible runs in your family? (emoji thinking).
“Kusa, voluntary, responsibility.
“Fatherhood is a lifetime responsibility with its challenges, sweetness and bitterness.
“The best gift that a father can bestow upon his child is to arrange good education and training for him.
“A good father is a man who supports his children, even when he has no money.
“Padre de pamilya (larawan ng ama at nakasulat kung ano ang mga tungkulin niya). I didn’t know I have to be the father and mother since the father of my children is still alive.”
Sa magkakaibang oras ito ipinost ni Jacqui at pagkatapos ay ginawa na niyang pribado ang kanyang IG account.
Nag-post din siya ng larawang magkakasama silang mag-iina, “My everything in one photo.”
Going back to Anjo na natsugi na nga sa Happy Time ay nagtataka siya kung bakit siya ang tinanggal gayung nagsumbong lang naman siya ng nakita niyang sa tingin niya ay mali.
Ayon sa pahayag ni Anjo sa online website na nabasa ng aming source sa NET 25,
“Nagsumbong ako sa management na paki-check naman kasi hindi ko gusto 'yung mga nangyayari, may inuman dito. Mga hindi INC (Iglesia Ni Cristo) members ito. Ang request ko lang naman ay tingnan lang.”
Wala naman daw nahuling nag-iinuman pero may nakita raw si Anjo na alak na itinago ni Boobsie.
Ang paliwanag ng aming source, “Wala talaga (inuman), may baon lang si Boobsie (isa sa mga hosts) at ‘yung PA ni Anjo, kay Boobsie naka-room. Sinabi kay Anjo, tapos nakikikain si Anjo kay Boobsie, so nakita n’ya sa ref, may alak pero 'di nila ininom.
“Pa'no nga mag-iinuman, eh, 1st night pa lang ‘yun ng taping? Tapos, sabi niya, NON-INC? 'Di niya alam na INC si Boobsie?
“Sa pagbanggit ni Anjo ng pangalan ni Boobsie, tiyak na pag-e-explain-in siya, pero marami namang magpapatunay na walang inuman doon, kainan lang lahat. Kita mo nga, pati sila ng PA niya, nakikain din. Kung may inuman talaga, sana kinunan niya ng picture para may ebidensiya siya.”
Binanggit din ni Anjo ang pangalan ni Dingdong Avanzado na isa sa mga hosts na niyaya nga rin daw sa inuman.
“Imposible na inaya si Dingdong kasi wala si Dingdong ng 1st and second day kasi concert ng anak niyang si Jayda.”
Anyway, itinanggi ni Anjo na binu-bully niya ang mga dancers ng Happy Time dahil friends sila at nagpapa-pansit pa nga raw siya.
“Isang beses lang siya nagpa-pansit at alam niya kung ano ang mga ginagawa niya sa dancers. Alam niya (Anjo) kung ano ang mga ginagawa at sinasabi niya sa mga dancers, naiiyak na lang sila,” kuwento ng aming source.
Binanggit sa amin kung ano ang mga pinagsasabi ni Anjo sa mga dancers na minabuti naming hindi na ilabas dahil hindi magandang basahin.
Bukas ang BULGAR sa panig ni Anjo Yllana.





Comments