Binati ni Echo… FIRST HOLLYWOOD FILM NI LIZA, IPAPALABAS NA SA FEB. 14
ni Nitz Miralles @Bida | January 18, 2024

Suportado ng mga showbiz friends ni Liza Soberano ang February 14, 2024 showing ng first Hollywood film niyang Lisa Frankenstein. Ipinost ni Liza ang trailer ng movie at isa sa mga unang nag-react si Jericho Rosales na nag-comment ng “Yiwww.”
Nag-comment din sina Tim Yap, Arci Muñoz at iba pang kaibigan at siguro naman, manonood sila at hindi lang puro congratulations at comment na hindi na sila makapaghintay to watch the movie.
Maganda rin ang billing ni Liza. Sa trailer, mapapanood na pangatlong ipinakita ang name niya at comment ng co-star ni Liza sa said movie na si Kathryn Newton, “You are the best part of this film.”





Comments