top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Binastos ng netizen, pumalag… KIM, UMAMING KARGADOR SI JERALD BAGO NAG-ARTISTA

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 1, 2024
2 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | March 28, 2024




Binastos ng netizen ang magdyowang Kim Molina at Jerald Napoles, at ang text nito sa aktres ay, “Na-69 na po ba kayo ng jowa mong mukhang kargador?”


Hindi nga naman ang tungkol sa pagiging kargador ang ikinagalit ni Kim, kundi ang sinabi nitong “Na-69” na ba siya ng BF. 


Kaya ang resbak ni Kim, “BASTOS KA! Alam kong fake account mo ‘yan, na malamang ginagamit mo lang para mang-bash nang mang-bash at makapag-comment dahil ‘di mo kayang gamitin ang totoong pangalan mo.”


At nag-trivia pa ang aktres, “Para sa ‘yo, alam mo bang totoong naging kargador si Jerald Napoles noon? YES, isa ‘yun sa mga trabahong pinasok niya noong hindi pa siya nag-aartista.”


Dugtong pa niya, “PROUD AKO SA LAHAT NG PINAGDAANAN NI JE.”


Dagdag pa ni Kim, “Ano ba’ng problema n’yo sa pagiging ‘kargador’, eh, sa totoo lang, people who do hands-on labor work are people we should acknowledge sa hirap ng ginagawa nila araw-araw. Hindi ito dapat ikahiya… DO NOT look, UNDERESTIMATE THE

IMPORTANCE OF THOSE PEOPLE WORKING FOR US.” 


Ipinagtanggol din ni Jerald ang girlfriend at sabi niya, “Hindi nabastusan si Kim Molina dahil sinabihan akong mukhang kargador. In fact, PROUD SI KIM sa pinagdaanan kong ito.”


Ani ng isang commenter, “Marami kasing nami-mislead ng articles. Just clarifying which is which. Love you, Kim Molina.”


Pagtatanggol naman ng isa, “Yeah, kasi ‘di typical na celebrity ‘yung hitsura nilang dalawa.


Pero sila, parehong multi-talented, sa true lang. Masama lang talaga ugali ng ibang tao lalo na ng mga Pinoy na nakatago behind a screen name.”


Sey pa ng mga commenters… “Hindi po ‘yung salitang kargador ang ikinagalit nina Jerald. Pakibasang mabuti po ang comment ng basher kaya siya nasabihang bastos.”


Ipinagtanggol naman sila ng ilang mga netizens dahil below the belt na rin ang pamba-bash sa dating trabaho ng aktor-singer. 


“Right nilang i-defend ‘yung sarili nila. And what if kung ‘di maka-move on? Bastos ni basher!


‘Di dapat tino-tolerate ‘yung ganyan. At wala namang masama sa words nila.”


“Dapat lang namang hindi palampasin ang ganyang ka-cheap-an na ugali. They are both brilliantly talented and smart...and very beautiful people! ‘Kala mo naman ‘yung mga bashers, ang gaganda.”


Pag-amin naman ng isang netizen, “Met him before. Malakas ang dating ni Jerald, talented and funny pa!”


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page